Angeli Khang kay Xian Gaza: "Iniissuehan mo nanaman ako"

Angeli Khang kay Xian Gaza: "Iniissuehan mo nanaman ako"

- Inalmahan ni Angeli Khang ang aniya'y pang i-issue sa kanya ni Xian Gaza

- Sa gitna ng hiwalayang Dominic Roque at Bea Alonzo, binaggit ni Xian ang pangalan ng Vivamax star

- Ani Angeli, ang saya-saya niya sa Japan at pagkagising niya daw ay narinig niyang ini-issuehan na naman siya ni Xian

- Wala namang naging sagot si Xian dito sa pahayag ni Angeli sa aniya'y pandadawit sa kanya

Umalma si Angeli Khang sa pandadawit sa pangalan niya sa isyu ng hiwalayang Dominic Roque at Bea Alonzo. Aniya, ini-issue na naman siya ni Xian Gaza.

Angeli Khang kay Xian Gaza: "Iniissuehan mo nanaman ako"
Angeli Khang kay Xian Gaza: "Iniissuehan mo nanaman ako"
Source: Facebook
Ang saya saya ko dito sa japan, pagka gising ko maririnig ko na iniissuehan mo nanaman ako Christian Albert Gaza

Matatandaang sa gitna ng hiwalayang Dominic Roque at Bea Alonzo, binaggit ni Xian ang pangalan ng Vivamax star.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Xian Gaza, mga celebrities din umano ang source sa nasagap ukol sa hiwalayang Bea at Dominic

Si Xian Gaza o Christian Albert Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersiyal na billboard proposal sa aktres na si Erich Gonzales para mag-coffee. Nakilala din siya sa bansag na "pambansang scammer" matapos siyang akusahan ng pang-iiscam.

Biniro ni Xian Gaza ang malapit na kaibigang si Zeinab Harake na puro lang daw basketball ang inaatupag nito. Sa comments section ng kanyang post, tinanong siya ni Zeinab kung kailangan na ba daw niyang sumunod kay Xian sa lugar kung nasaan siya. Pabiro naman siyang sinagot ni Xian na paalis na siya lalo kung dalawa silang susunod. Hindi man binaggit ni Xian ang pangalan kung sino ang tinutukoy niya, nagbiro ito ng tungkol sa viral na video na binahagi ni Bobby Ray Parks Jr. na sinusuklay niya ang buhok ni Zeinab.

Nagbahagi si Xian ng picture niya kasama si Angelica Yap na kilala bilang si Pastillas Girl. Sinagot niya ang mga komento sa kanya na balimbing daw siya dahil sa pakikipagkaibigan kay Angelica. Ito ay dahil sa kanyang pagiging malapit na kaibigan din ni Zeinab Harake na naglabas ng sama ng loob laban kay Angelica na dati niya ding malapit na kaibigan. Ani Xian, hindi siya makikisali sa gulo ng magkakaibigang ito at mananatili siyang isang tunay na kaibigan sa kanila kahit pa magkatampuhan ang magkaibigan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel