Inang PWD na umano'y binabastos ng bunsong anak, dumulog sa RTIA

Inang PWD na umano'y binabastos ng bunsong anak, dumulog sa RTIA

- Dumulog na sa programa ni Raffy Tulfo ang isang inang PWD dahil sa umano'y pambabastos ng bunsong anak

- Verbal abuse umano ang dinaranas ng ina kaya naman nagpasya itong iwan ang bunsong anak

- Maging ang kasambahay ay napagmamalupitan din ng inirereklamong anak at saksi rin sa pang-aabuso umano nito sa kanyang ina

- Hindi pa umano nagpaunlak ng panayam ang anak na sinusubukan ng RTIA na mahingan ng panig

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Humingi na ng saklolo ang inang si Leah Gatdula sa Wanted sa Radyo, Raffy Tulfo in Action dahil sa umano'y pambabastos sa kanya ng kanyang bunsong anak na si Ashley Pauline Gatdula.

Leah Gatdula (Raffy Tulfo in Action)
Leah Gatdula (Raffy Tulfo in Action)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na sa kabila ng lagay ni Leah na isa na umanong PWD ilang taon na ang nakalilipas, nagagawa pa siyang pagmalupitan ng anak.

Ayon kay Leah, hindi man siya sinasaktan ng pisikal, sagana naman umano siya sa nilarawan niyang verbal abuse sa kanya ng anak.

Ani Leah, nang tanungin niya ang anak bakit niya ito nagagawa, tila paghihiganti 'di umano ang ginagawa nito sa dinanas sa ina.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Sabi daw po niya, nung bata siya yun po ang palagi niyang sinasabi sa'kin, pinapahiya ko raw po siya sa maraming tao. Pinapagalitan ko raw po siya. Parang tinanim niya po," ani Leah.

Nilarawan din ni Leah na reyna-reynahan si Ashley sa tahanan at dumarating pa umano sa puntong binibilinan nito ang kasambahay na huwag pakainin ang ina.

Maging ang kasambahay na si Noela Masero ay nakararanas ng pang-aabuso ni Ashley. Subalit dala ng awa kay Leah at sa panganay na anak nito na isa umanong special, hindi naman sila iniwan nito.

Katunayan si Noela pa ang naging saksi ng ilang pagmamalupit ni Ashley sa ina maging sa pagpirma nito sa papeles ng bahay na pagma-may ari ng ina.

Tila minamadali na umano ito ni Ashley gayung naroon pa ang kanyang ina doon pa rin naman dapat nakatira.

Samantala, makailang beses na sinubukan ng RTIA na kunin ang panig ni Ashley subalit hindi ito nagpaunlak na magbigay pahayag.

Patuloy pa rin ang pamamayagpag sa telebisyon at sa online platforms ang programang Raffy Tulfo in Action. At patuloy silang nakakatulong sa mga kababayan nating naapi at nangangailangan.

Kilala rin si Raffy bilang isang matagumpay na YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 25 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'. Dahil sa kanyang serbisyo, pinakatiwalaan din siya ng publiko at nahirang bilang senador noong Mayo sa Eleksyon 2022.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel