Antonette Gail, ibinida ang kanyang mga bagong pictures

Antonette Gail, ibinida ang kanyang mga bagong pictures

- Binahagi ni Antonette Gail ang kanyang bagong mga pictures sa kanyang Facebook post

- Kapansin-pansin ang kanyang bagong hair color at ang kanyang pag glow up matapos niyang sumailim sa BBL

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Kalakip ng kanyang post ay ang caption na LOVE ME or HATE ME, This is ME

- Umani ng samut-saring mga komento ang post na ito ni Antonette

Nag-post si Antonette Gail ng kanyang mga bagong pictures. Kapansin-pansin ang bagong hairstyle at hair color niya sa kanyang bagong post.

Antonette Gail, ibinida ang kanyang mga bagong pictures
Antonette Gail, ibinida ang kanyang mga bagong pictures
Source: Facebook

Kalakip ng kanyang mga pictures ay ang caption na LOVE ME or HATE ME, This is ME. Bukod sa salon na gumawa sa kanyang buhok, naka-tag din ang ICON Clinic at si Doc Yappy na siyang gumawa sa kanyang BBL.

Read also

Maxene Magalona, nag-repost ng 'forgive your parents' quote

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naka-tag din ang Urban Smiles na siyang nangangalaga sa ngipin nila ni Whamos at iba pang mga influencers.

Umani ng samut-saring mga komento ang post na ito ni Antonette.

Si Whamos Cruz ay isang kilalang TikTok at YouTube content creator at isang social media star. Bukod sa kanyang mga viral video sa social media, nag-viral din ang kanyang pagsali sa Idol Philippines kung saan kinaaliwan siya ng mga judges. Matatandaang nakilala ang dalawa nang umabot sa programa ni Raffy Tulfo ang sumbong ng ina ni Antonette. Kaugnay ito sa pagtira umano ni Antonette kasama si Whamos. Tinutulan ito ng kanyang ina.

Kamakailan ay binahagi ni Antonette ang kanilang mga plano at pangarap para sa kanilang binubuong pamilya ni Whamos. Naniniwala umano siyang mag-iiba ang priority nila ni Whamos kapag lumabas na ang kanilang baby. Aniya, gagawin nila ang kanilang makakaya para maging hands-on parents habang patuloy na nagsusumikap para sa pamilya nila. Inaasahan niya din umano na mas magsisipag si Whamos dahil may anak na sila at maglalaan ito ng oras para sa kanila.

Read also

Ivana Alawi, ipinasilip ang lugar kung saan itatayo ang kanyang bagong bahay sa Batangas

Sa vlog ni Ryan Bang, nakausap at nakapanayam niya sina Whamos at Antonette. Inimbitahan niya ang dalawa sa isa sa kanyang Ducup stores at masayang nakipagkwentuhan sa kanila. Kabilang sa naitanong ni Ryan kay Antonette ay kung bakit nito minahal si Whamos. Naglabas ng kanyang komento si Ryan kaugnay sa naging sagot ni Antonette.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel