Holdaper at snatcher noon, Kilala na ngayon sa kanyang tindang sandwich sa Divisoria

Holdaper at snatcher noon, Kilala na ngayon sa kanyang tindang sandwich sa Divisoria

- Viral ang kwento ni Augusto Virgo kung saan bago siya nakilala sa kanyang lako, dati siyang snatcher at holdaper

- 2014 pa nang siya ay magsimulang magtinda ng hotdog sandwich subalit kamakailan lamang siya nag-viral

- Marami umano ang nai-inspire kapag nalalaman ang kwento ng kanyang buhay

- Malaking bahagi ng pagbabago ay ang kanyang anak gayung nais niyang maging mabuting ehemplo sa mga ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Usap-usapan kamakailan ang kwento ng sandwich vendor sa Divisoria na si Augusto Virgo.

Holdaper at snatcher noon, Kilala na ngayon sa kanyang tindang sandwich sa Divisoria
Augusto Virgo (Tikim TV)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na bukod sa masarap at hindi tinipid niyang paninda, inspirasyon umano ang hatid ng kwento ng kanyang buhay.

Aminado kasi si Augusto na dati siyang snatcher at holdaper sa Divisoria kung saan din siya naglalako na ngayon sa loob ng walong taon.

"Nakaw rito, nakaw roon... Holdap dito, snàtch dito snàtch doon," matapang na inamin ni Augusto na kilala noon sa tawag na 'Daga' sa bilis niyang tumakbo at magtago kung hinahabol siya ng awtoridad.

Read also

Andrew Schimmer, emosyonal sa huling Christmas picture na kasama ang namayapang fiancée

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Pasko ng 2014 nang maisipan niyang pasukin ang munting negosyo. Bilang bagsakan ng mas murang mga bilihin ang Divisoria, inisip din niyang lagyan ng gulay ang basta lamang hotdog sandwich na paninda noon.

At dahil sa halagang 35-60 pesos ay talagang nabubusog ang kanyang mga customers, binabalik-balikan na umano siya ng kanyang mga suki.

Aniya, mas nakadagdag pa ng customer tuwing malalaman ng mga ito ang kwento sa kung paano niya naisip na iwan ang dating gawi ng pagnanakaw at pagtakbo sa awtoridad.

Malaking bagay din umano ang anak na siyang dahilan ng kanyang pagbabago. Nais niyang maging mabuting ehemplo dito.

Narito ang kabuuan ng kwento ni Augusto mula sa Tikim TV:

Kamakailan, hinangaan din ang isang 18-anyos na estudyante na ngayo'y kumikita na ng 6 digits kada buwan.

Read also

Detalye ng libing ng misis ni Andrew Schimmer, inilabas na ng ina nito

Aniya sa edad na 15, pinahiram siya ng kanyang mga magulang ng Php20,000 bilang puhunan. Hanggang sa lumago na ang kanyang bags and shirts business na siyang nakatutulong sa kanilang pamilya lalo na sa kanyang pag-aaral sa kolehiyo.

Gayundin ang kwento ng tagumpay ng cùm laude na si Ross Leo Forbes Mercurio ng Gumaca, Quezon. Matatandaang siya ang proud na anak na sa pagsisikap ng kanyang amang PWD na nangangalakal, siya ay nakapagtapos.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica