Lalaking kilala sa paghingi ng Php5 sa kanilang lugar, nag-donate ng 80 boxes ng Crayola
- Viral ang kwento ni Christopher Francisco ng Balete, Aklan kung saan nakapag-donate ito ng 80 boxes ng Crayola
- Kilala umano si 'Cris' sa kanilang lugar na nanghihingi ng Php 5 sa kung sino-sinong tao
- Iyon pala, tila pinag-ipunan nito ang pamamahagi niya ng mga pangkulay sa mga mag-aaral sa pagbubukas ng klase
- Sa kabila umano ng pagkakaroon nito ng autism, kahanga-hanga ang naisipan nitong gawin para makatulong sa mga kabataang magbabalik paaralan
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Umantig sa puso ng maraming netizens ang kwento ni Christopher Francisco ng Balete, Aklan na nakamamanghang nakapag-donate ng 80 boxes ng Crayola sa Calizo Elementary School.
Nalaman ng KAMI na ang teacher ng nasabing paaralan na si Ma'am Juliet Justo ang nagbahagi ng kwento ni Cris sa kanyang Facebook.
Aniya, laking gulat nila nang dumating ito sa kanilang paaralan na may dalang sako. Nang ilabas nito ang laman, 80 mga kahon ng pangkulay ang inihanay pa nito sa mesa at para raw ito sa mga estudyanteng nangangailangan nito.
"Hindi kami nakapagsalita tapos nagtinginan kami, nang makita namin ang laman nang sako, hindi namin namalayan umiiyak na pala kami," kwento ni Ma'am Juliet.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Kilala umano si Cris sa panghihingi nito ng Php5 sa kanilang lugar. Subalit labis silang nasurpresa na ang perang hinihingi nito ay iniipon pala ni Cris pambili ng mga pangkulay.
Ayon sa Pilipino Star Ngayon, napag-alaman nilang may autism si Cris. Kaya naman mas lalong naging kahanga-hanga na sa kabila ng kanyang kondisyon ay ang busilak niyang puso na magbahagi pa rin sa kanyang kapwa.
Narito ang kabuuan ng kanyang kwento na naibahagi rin ng 'Diumano':
Nito lamang Agosto 22 nagbukas ang panuruang taon 2022-2023 sa mga pampublikong paaralan. Ilan sa mga eskwelahan ay angpatupad na ng in-person classes bagama't inanunsyo ni Presidente Bongbong Marcos na sa Nobyembre pa ito ipatutupad sa lahat ng paaralan.
Kasabay nito ang tungkol sa vaccination ng mga estudyante na siyang isa sa mga inihahanda sa napipintong implementasyon ng full face-to-face classes. Matatandaang hindi lahat ay inobligang magpaturok ng panlaban umano sa COVID-19 ay naaayon pa rin ito sa desisyon ng mga magulang ng bata depende na rin sa kanilang medical condition.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh