Suspek sa Maguad siblings murder, inakay pa ni Gwynn sa pag-aakalang biktima din ito
- Sa kanyang paglabas ng kanyang saloobin, nabanggit ng ina ng magkapatid na Maguad ang ilang pangyayari noong araw na mapaslang ang mga anak niya
- Aniya, nang makalabas ang anak niyang babae, binalikan pa nito ang suspek dahil nagpanggap din umano itong biktima
- Inakay pa umano ng kanyang anak na babae ang suspek upang makalabas sila at makahingi ng tulong
- Walang katumbas din umano ang sakit na nararamdaman ng anak niyang lalaki habang nakikitang pinapahirapan ang kanyang ate
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Labis pa ring nasasaktan ang mga magulang ng magkapatid na Maguad habang patuloy na dinidinig ang kaso ng pamamaslang sa kanilang mga anak. Sa isang post ni Mrs. Maguad, naibahagi niya ang ilang pangyayari noong araw na mapaslang ang mga anak niya.
Naibahagi niyang nakalabas na umano sana ang anak niyang babae ngunit pinili nitong balikan ang isa sa mga salarin nagkunwaring biktima din kagaya niya. Inakay pa umano ng anak niya ito palabas para sana makahingi ng saklolo.
Biktima ba Ang tawag mo sa kanya na kung tutuusin nakalabas na po sana sa bahay si ate pero binalikan pa niya si Girl at inaakay - coz she's acting a victim din- na maglabas na silang dalawa para humingi ng tulong. Sa bingit ng kamatayan pinilit ni ate na tulungan pa rin siya. Bakit gusto niyang tawagin siyang BIKTIMA? Kasi Yun po ang orientation ng DSWD na ang mga bata na papasok sa facility ay BIKTIMA. Biktima ba siya sa kanyang ginawa?
Ngayon paano natin yan maituwid ang pag iisip ng mga kabataan ngayon na ang pagpatay ay OK lng kasi bata sila? Hindi sila makukulong? Basahin nyo po ng mabuti ang BATAS.... Hindi po ibig sabihin coz you FAILED to implement the law ay TAMA yung practices na ginagawa ninyo. According to one of the CHRs kahit bata dapat my equal punishment ang lahat ng mga ginagawa niyang MALI.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ang kaso ng pagpaslang sa magkapatid na Maguad ay lumikha ng malaking ingay lalo at naganap ang pagpaslang sa magkapatid sa mismong bahay nila. Ang lalong naging kahindik-hindik ay nang mapag-alamang mismong ang dalagang kanilang kinupkop at itinuring na kapamilya ang isa sa mga salarin sa pagpaslang.
Samantala, ibinahagi ng ina ng magkapatid ang kanyang hinanakit nang makaharap nila ang mga salarin sa pagpaslang sa kanilang dalawang anak, wala umano silang magawa.
Matatandaang umamin ang mismong dalaga sa kanyang ginawa ilang araw matapos ang pamamaslang sa magkapatid.
Source: KAMI.com.gh