Suspek sa pagpaslang sa Maguad siblings, nanindigan na biktima siya

Suspek sa pagpaslang sa Maguad siblings, nanindigan na biktima siya

- Ayon kay Mrs. Maguad, mas lalong yumabang ang salarin sa pagpatay sa kanilang anak nang muli nila itong makaharap

- Aniya, pakitang tao lamang ang kanyang pinakitang pagiging magalang noon dahil hindi man lang umano ito nagmano sa kanila na dati niya namang ginagawa

- Wala din umano silang makitang pagsisi at tila nais umano nitong iparamdam sa kanila na sila ang may kasalanan

- Hindi raw siya nagsisisi at pinanindigan na siya ay biktima lang din

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Inilabas ng ina ng magkapatid na Maguad ang kanyang hinanakit nang muli nilang makaharap ang salarin sa pagpaslang sa kanilang anak. Ani Mrs. Maguad, sinabi daw ng suspect na hindi raw siya nagsisisi at pinanindigan na siya ay biktima lang din.

Suspek sa pagpaslang sa Maguad siblings, nanindigan na biktima siya
Mga magulang ng magkapatid na Maguad (Photo from Newsline Philippines)
Source: Facebook
Yes!!! Ang sabi pa niya hindi daw siya nag sisi at pinanindigan na siya ay BIKTIMA.

Read also

Suspek sa Maguad siblings murder, inakay pa ni Gwynn sa pag-aakalang biktima din ito

Pinuna niya rin ang hindi nito pagbati at pagmano sa kanila. Aniya, pakitang tao lamang ang kanyang kabaitan sa kanila.

Yung ipinakikita nyang kabaitan at pagiging magalang were all scripted Kasi sa pangatlong beses na pagkikita namin ni hindi man lng nag greet sa amin o nagmano as she used to do. O nagpapakita ng pagsisi o humingi ng tawad.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Wala din umano silang makitang pagsisi at tila nais umano nitong iparamdam sa kanila na sila ang may kasalanan.

Walang remorse. Para gusto pa niyang ipakita sa amin na kami ang may kasalanan.

Kinuwesityon din niya ang treatment ng facility sa mga suspek matapos nilang muling makaharap ang mga salarin.

Ano ba ang treatment na binigay sa loob ng facility sa kanila? Yun ba ay nagbibigay ng opportunity for them to realize o reflect na MALI ang kanyang ginawa o tolerating her crime and to encourage her to do the part 2?

Read also

28-anyos na dating nakulong, 'di nawalan ng pag-asa at isa na ngayong pulis

Ang kaso ng pagpaslang sa magkapatid na Maguad ay lumikha ng malaking ingay lalo at naganap ang pagpaslang sa magkapatid sa mismong bahay nila. Ang lalong naging kahindik-hindik ay nang mapag-alamang mismong ang dalagang kanilang kinupkop at itinuring na kapamilya ang isa sa mga salarin sa pagpaslang.

Samantala, ibinahagi ng ina ng magkapatid ang kanyang hinanakit nang makaharap nila ang mga salarin sa pagpaslang sa kanilang dalawang anak, wala umano silang magawa.

Matatandaang umamin ang mismong dalaga sa kanyang ginawa ilang araw matapos ang pamamaslang sa magkapatid.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate