Mga magulang ng Maguad siblings, isinubsob ang oras sa trabaho para maibsan ang sakit

Mga magulang ng Maguad siblings, isinubsob ang oras sa trabaho para maibsan ang sakit

- Patuloy sa pagsigaw ng hustisya para sa kanilang anak ang naulilang mga magulang ng magkapatid na Maguad

- Sa kanyang social media account ay naglalabas ng kanyang hinanakit ang ina ng magkapatid habang patuloy na dinidinig ang kaso

- Aniya, walang lumipas na gabi at umaga na hindi sila umiiyak na mag-asawa dahil sa sakit na kanilang nararamdaman

- Isinubsob umano nilang mag-asawa ang kanilang mga oras sa trabaho para kahit papaano ay maibsan ang kanilang pangungulila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi tumitigil ang mag-asawang Maguad na makamit ang hustisya para sa pagkapaslang sa kanilang dalawang anak. Isinubsob umano nilang mag-asawa ang kanilang mga oras sa trabaho para kahit papaano ay maibsan ang kanilang pangungulila.

Mga magulang ng Maguad siblings, isinusobsob ang oras sa trabaho para maibsan ang sakit
Mga magulang ng magkapatid na Maguad (Photo from Newsline Philippines)
Source: Facebook

Ayon sa ina ng magkapatid, walang araw na lumipas na hindi sila umiiyak. Ginugugol nila ang kanilang oras sa trabaho para kahit papaano ay maibsan ang kanilang pangungulila.

Read also

28-anyos na dating nakulong, 'di nawalan ng pag-asa at isa na ngayong pulis

Sa kanyang social media account ay naglalabas ng kanyang hinanakit ang ina ng magkapatid habang patuloy na dinidinig ang kaso.

Nasasaktan ako na makita ang sitwasyon naming dalawa na halos isubsob ang oras sa trabaho para maibsan ang sakit at pangungulila sa aming dalawang anak. Hindi mapawi pawi ang pagod sa Araw Araw.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang ikinakasama ng loob nila ay ang takbo ng kaso laban sa salarin.

Ano pa po ba ang gusto nyong makita para maintindihan at makumbinsi kayo na may MALI ang BATAS may MALI sa pag INTINDI ng BATAS at may MALI sa IMPLMENTASYON ng BATAS. Gusto pa po ba ninyo na ang mga anak nyo pa ang mabibiktima bago kayo magising? Bago ninyo kami maintindihan sa sigaw ng MAXIMUM justice?

Read also

VP Leni, inalala ang mga supporters na nabasa ng maghapong pag-ulan sa Rizal

Ang kaso ng pagpaslang sa magkapatid na Maguad ay lumikha ng malaking ingay lalo at naganap ang pagpaslang sa magkapatid sa mismong bahay nila. Ang lalong naging kahindik-hindik ay nang mapag-alamang mismong ang dalagang kanilang kinupkop at itinuring na kapamilya ang isa sa mga salarin sa pagpaslang.

Samantala, ibinahagi ng ina ng magkapatid ang kanyang hinanakit nang makaharap nila ang mga salarin sa pagpaslang sa kanilang dalawang anak,. Wala umano silang magawa.

Matatandaang umamin ang mismong dalaga sa kanyang ginawa ilang araw matapos ang pamamaslang sa magkapatid.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate