Ina ng Maguad siblings nang makaharap ang mga suspek; "We couldn't do anything"
- Nagbigay ng update ang ina ng magkapatid na Maguad kaugnay sa itinatakbo ng kanilang kaso
- Nakaharap na muli nina G. at Gng. Maguad ang dalawang suspek sa ginanap na pagdinig ng kaso
- Napakasakit daw umanong marinig ang salaysay ng dalawang salarin kung paano nila pinahirapan ang kanilang mga anak
- Ang mas masakit pa umano rito ay ang makitang maayos umano ang kalagayan ng mga walang-awang pumaslang sa kanyang mga anak na hindi rin niya umano kinakikitaan ng pagsisisi
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Labis-labis pa rin umano ang paghihinagpis ni Ginang Lovella Maguad sa walang-awang pamamaslang sa kanyang mga anak.
Nalaman ng KAMI na nagbigay ng update ang ginang kaugnay sa ginanap na pagdinig ng kaso ng kanyang mga anak.
Nakita rin niya ang mga suspek na sumipot, at masakit para sa kanilang makita ang mga ito na masasabi niyang nasa maayos naw na lagay.
Kapansin-pansin din umanong, tila hindi nila ito kinakikitaan ng anumang senyales ng pagsisisi sa kanilang nagawang brutal na pamamaslang.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"We saw the perpetrators in the court with no remorse. One was properly dressed- wearing black long sleeved shirt tucked in blue jeans. Wearing sunglasses as she entered the court guarded by a DSWD worker n a policewoman in civilian attire while the other was escorted by the DSWD worker n his parents."
Mas lalo umanong kumurot sa puso nilang mag-asawa ay nang makinig mismo sa mga supek ang detalye ng pagpapahirap sa magkapatid bago nila ito tuluyang kinitilan ng buhay.
"Alam nyo po ba kung ano kasakit na ini imagine mo based sa kanilang confession kung paano nila pinahihirapan ang aming mga anak bago binawian ng buhay."
Mahirap para sa kanila na ang isa sa mga suspek ay pinagkatiwalaan ng kanilang mga anak kaya nila ito kinupkop sa kanilang tahanan habang ang isa nama'y hindi talaga nakilala ang taong pinaslang nito.
Narito ang kabuuan ng pahayag ng ginang mula sa kanya mismong post:
Disyembre 10 nang matagpuan ng kanilang ama ang magkapatid na Maguad na wala nang buhay sa kanila mismong tahanan.
Sinasabing ang adopted school girl nila ang tanging nakaligtas na nakapagtago umano sa loob ng kwarto nito.
Kalaunan, inamin ng adopted school girl na isa siya sa responsable sa pagpaslang sa magkapatid habang ang isa naman ay nasa kustodiya na rin ng awtoridad at isa pala umanong sakristan.
Matatandaang una nang nanawagan si Gng. Maguad na huwag maliitin ang kakayahan ng mga may edad na 18 pababa na nakagawa umano ng krimen sa kapwa nito kabataan.
Hiling ng marami ang hustisya para sa magkapatid na Maguad tulad na lamang ng brutal na pamamaslang sa mag-inang Gregorio at maging ang hindi pa umano nareresolbang kaso ng lady driver na si Jang Lucero.
Source: KAMI.com.gh