Ina ng Maguad siblings, nanawagan: "'Di po natin i-underestimate ang kabataan under 18 years old"

Ina ng Maguad siblings, nanawagan: "'Di po natin i-underestimate ang kabataan under 18 years old"

- Sa libing ng magkapatid na Maguad, nanawagan ang kanilang ina na si Lovella Maguad

- Aniya, hindi dapat i-underestimate ang kakayahan ng mga kabataang may edad 18 pababa

- Mayroon na raw itong manipulative skills at power para sirain ang buhay ng kapwa nila kabataan

- Nanawagan din ang ina sa mga magulang ng suspek upang tumulong at makipag-ugnayan sa kanila para mapabilis ang pagkamit ng hustisya sa magkapatid na Maguad

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naiahatid na sa huling hantungan ang magkapatid na Maguad na walang-awang napasalang sa loob mismo ng kanilang tahanan.

Nalaman ng KAMI na isang misa ang isinagawa sa Santa Theresa Hesus Parish sa North Cotabato bago ilagak sa kanilang himlayan ang labi ng magkapatid.

Doon nanawagan ang kanilang ina na si Lovella para sa agarang pagkamit ng hustisya ng kanyang mga anak.

Read also

Ina ng suspek sa umano'y pagpaslang sa Maguad siblings, lumuhod sa magulang ng mga biktima

Ina ng Maguad siblings, nanawagan: "'Di po natin i-underestimate ang kabataan under 18 years old"
Mga magulang ng magkapatid na Maguad (Photo from Newsline Philippines)
Source: Facebook
"Hindi dapat i-underestimate ang mga kabataan under 18 years old,"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"They have the manipulative skills, the power to destroy other children, good children, promising children,"

"Kaya sumasamo po ako sa pamilya ng mga suspek, please, tulungan niyo po kami sa ikatatahimik po ng aming mga anak at ikatatahimik din po namin," emosyonal na nasabi ni Gng. Maguad.

Pinasalamatan din niya ang lahat ng nakiisa at nakiramay sa kanilang mag-asawa sa sinapit ng kanilang dalawang anak.

Samantala, itinuring na solved ang kaso matapos na umamin ng suspek na adopted school girl ng mag-asawang Maguad. Kasalukuyan na itong hawak ng Department of Social Welfare and Development habang pinaghahanap pa ang sinasabing iba pang suspek sa kaso.

Narito ang kabuuan ng mga kaganapan sa libing ng magkapatid na Maguad mula sa Newsline Philippines:

Read also

Julius Babao, tuluyan nang iniwan ang ABS-CBN matapos ang 28 na taon na pagiging Kapamilya

Disyembre 10 nang matagpuan ng kanilang ama ang magkapatid na Maguad na wala nang buhay sa kanila mismong tahanan.

Sinasabing ang adopted school girl nila ang tanging nakaligtas na nakapagtago umano sa loob ng kwarto nito.

Kalaunan, inamin ng adopted school girl na isa siya sa responsable sa pagpaslang sa magkapatid at patuloy na pinaghahanap ang kasabwat nito.

Hiling ng marami ang hustisya para sa magkapatid na Maguad tulad na lamang ng brutal na pamamaslang sa mag-inang Gregorio at maging ang hindi na umano nareresolbang kaso ng lady driver na si Jang Lucero.

Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel