
Traffic Incident







Humanga si Raffy Tulfo sa Angkas rider na nagviral matapos sigawan at murahin ng isang pasahero nito. Maging ang management ng Angkas ay nagpahayag din ng paghanga sa nasabing rider. Ayon sa rider, nagtimpi lamang talaga ito.

Isa muling insidente sa kalsada ang mabilis na nagviral sa social media. Sangkot ang isang lalaking galit na galit na nanigaw ng isang Angkas rider. Bukod dito, maririnig din nang murahin nito ang rider sa harap ng maraming tao.

Mukhang bumenta rin kay Parokya ni Edgar-vocalist Chito Miranda ang "remix version" ng viral na road rage sangkot ang isang doktor. Sa nasabing remix, isinama ng uploader sa video ang kanta ng Parokya ni Edgar at ng Kamikazee.

Naglabas na ng pahayag ang St. Luke's Medical Center kaugnay ng pagkakasangkot ng isang doktor sa nagviral na road rage kamakailan lang. Isang video ang kumakat sa kung saan makikita ang doktor na naka-uniporme ng SLMC.

Ipapatawag ng LTO ang lalaking nasangkot sa isang road rage na mabilis na nagviral sa social media. Ang DOTr naman muling nagpaalala sa mga motorista na huwag magpadala sa init ng ulo kapag nasa kalsada.

Nanigaw at minura ng isang motorista ang isa pang motorista na nakaalitan nito sa kalsada. Ayon sa video, nag-ugat ang gulo sa pagitan ng mga ito dahil sa paglipat ng linya ng galit na lalaki. Dahil dito, beastmode ang motorista!
Traffic Incident
Load more