Binatilyong anak ng isang boxing legend, natagpuang patay sa loob ng kaniyang apartment

Binatilyong anak ng isang boxing legend, natagpuang patay sa loob ng kaniyang apartment

  • Pumanaw si Arturo Gatti Jr., anak ng yumaong boxing legend na si Arturo Gatti Sr., ayon sa kumpirmasyon ng kanyang trainer na si Moe Latif
  • Natagpuan ang katawan ng binatilyo sa kaniyang apartment sa Mexico, at patuloy pa ang imbestigasyon sa sanhi ng kanyang pagkamatay
  • Si Gatti Jr. ay isang amateur boxer na nangangarap lumaban sa Olympics at maging propesyonal
  • Maraming personalidad sa boxing ang nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya Gatti, kabilang ang WBA, WBC, at dating kampeon na si Jean Pascal

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Arturo Gatti Jr./@arturogattijr on Instagram
Arturo Gatti Jr./@arturogattijr on Instagram
Source: Instagram

Pumanaw ang anak ng boxing legend na si Arturo Gatti Sr. na si Arturo Gatti Jr., ayon sa kaniyang trainer na si Moe Latif.

Sa Instagram, kinumpirma ni Latif na hindi tsismis ang balita at humiling siya ng privacy sa gitna ng pagdadalamhati.

Ayon sa ulat ng The Economic Times, natagpuan ng isang kapitbahay ang katawan ng binatilyo sa kanyang apartment sa Mexico, kung saan siya nakatira kasama ang kaniyang ina na si Amanda Rodrigues.

Read also

Korean comedian na si Jung Se Hyup, pumanaw na sa edad na 41

Patuloy pa ring inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng kanyang pagkamatay.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Mula pagkabata, mahilig na si Gatti Jr. sa boxing. Isang video ng batang Gatti na nag-eensayo kasama si Mike Tyson ang muling kumalat sa social media matapos ang kaniyang pagpanaw.

Bago siya namatay, amateur boxer na siya at nagplano sanang lumaban sa Olympics bago maging propesyonal.

Nakatakda na sana siyang lumaban sa Mexico noong Hunyo 14 ngunit tinanggal siya sa laban sa hindi tinukoy na dahilan.

Maraming fans at boxing personalities ang nagpaabot ng pakikiramay. Ayon sa World Boxing Association, maiksi man ang kanyang paglalakbay, mananatili ang kanyang alaala at diwa sa mundo ng boxing.

Ipinahayag din ni WBC President Mauricio Sulaiman ang kanyang pagdadalamhati at dasal para sa pamilya.

Samantala, sinabi ng dating WBC light heavyweight champion na si Jean Pascal na nakakadurog ng puso ang pagkawala ng mag-amang Gatti, sabay dasal na magtagpo silang muli sa kapayapaan.

Read also

Elias J TV, kanselado ang US tour dahil sa visa issue, fans sa Amerika labis na nalungkot

Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.

Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Read also

Michael V, emosyonal sa ‘Bubble Gang’ reunion; excited sa collaboration nila ni Vice Ganda

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: