Manny Pacquiao sa umano'y pagpabor ng referee sa kanya: "That’s his problem, not mine"

Manny Pacquiao sa umano'y pagpabor ng referee sa kanya: "That’s his problem, not mine"

- Ayon kay dating Sen. Manny Paquiao, ginawa niya lang ang dapat niyang gawin bilang boksingero

- Kaugnay ito ng naging pahayag ng retiradong referee na si Carlos Padilla ang tungkol sa cheating para umano matulungang manalo si Manny sa laban nito kay Nedal Hussein noong 2000

- Dagdag pa niya, hindi na niya problema kung ginawa iyon ni Padilla ngunit alam niya raw na ginawa niya lang ang trabaho niya

- Maging ang katunggali nito noon na si Nedal ay wala umanong hinanakit kay Manny at sa katunayan ay fan siya ng Pambansang Kamao

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Para sa dating senator na si Manny Pacquiao, ginawa niya lang ang dapat niyang gawin bilang boksingero. Aniya, hindi na niya problema kung pinaboran nga siya ng retiradong referee ngunit alam niya raw na ginawa niya lang ang trabaho niya.

Read also

Xian Gaza, idinaan sa open letter ang payo niya para kay Paolo Contis

Manny Pacquiao sa umano'y pandaraya ng referee: "That’s his problem, not mine"
Manny Pacquiao sa umano'y pandaraya ng referee: "That’s his problem, not mine" (@mannypacquiao)
Source: Instagram

Ayon sa ulat ng News 5, sinabi daw ni Pacquiao na hindi niya masabi kung totoong tinagalan ni Padilla ang pagbilang noong ma knockdown siya. Gayunpaman, iginiit niyang tinamaan ng kanyang uppercut si Nedal kaya aniya ay hindi headbutt iyon. Dagdag pa niya mapapanood naman ng tao ang dating laban at sila na ang humusga.

Samantala sa isang episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," nagkausap ang dalawang boksingero sa pamamagitan ng Zoom at nag-usap kaugnay sa nilabas na pahayag ng retiradong referee.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ani Nedal, si Padilla ang may kasalanan.

"It's Carlos Padilla's fault. He is the one that's to blame and his big mouth,"

Wala siyang sama ng loob kay Manny at sa katunayan ay fan umano siya nito.

"I'm a big fan of Manny. All boxers have respect for the other boxer. Maybe we'll do an exhibition one day."

Read also

Joshua Garcia sa pamamahinga niya sa vlogs; "'Di lang talaga siya para sa akin"

Si dating Senator Manny Pacquiao ay isang kilalang kampiyon na boxer na naging senador. Siya si Emmanuel Dapidran Pacquiao sa totoong buhay. Pinagtuunan niya ng atensyon ang boxing kung kaya't naging magaling siya dito at ngayo'y isa sa mga pinakarespetadong boksingero sa mundo. Kasal siya kay Jinkee Pacquiao at may limang anak sila sa kasalukuyan. Isa rin si Pacquiao sa mga senador ng Pilipinas sa ngayon.

Kamakailan ay pinasalamatan ni Annabelle Rama sina Sen. Pacquiao at ang misis nitong si Jinkee Pacquiao. Ito ay para sa kanyang natanggap na umano ay pangkabuhayan birthday gift mula sa mag-asawa. Naiintindihan niya umano na hindi nakadalo ang mag-asawa dahil abala si Sen. Pacquiao sa exhibition fight na gaganapin sa Dec. 11, 2022. Aniya, dalangin niyang tuloy-tuloy ang swerteng dumating sa mag-asawa na aniya ay talaga namang generous.

Kamakailan ay inamin umano ng retiradong referee na si Carlos Padilla ang tungkol sa cheating para umano matulungang manalo si Manny sa laban nito kay Nedal Hussein noong 2000. Anjiya, sinadya niyang tagalan ang pagbibilang hanggang sampu matapos ma-knock down si Pacquiao. Sinabi niya rin na mula sa suntok ang umano'y headbutt ni Pacqiao kay Hessein. Pinalabas niya rin umano na malala ang sugat ni Hessein kaya natigil ang match at nanalo si Pacquiao.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel