Gold medalist Margielyn Didal, dating nagtitinda lamang ng kwek-kwek kasama ang ina
- Si Margielyn Didal ang ikaapat na Pinoy na nakasungkit ng ginto sa 2018 Asian Games
- Simple lamang ang buhay ni Margielyn na pang-apat sa limang magkakapatid na anak ng amang karpintero at inang tindera at kasambahay
- Para makatulong kasa-kasama si Margielyn ng kanyang ina
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Walang pagsidlan ng kaligayahan ang mga magulang ni Margielyn Didal, nang masungkit nito ang ikaapat ng Gold medal ng Pilipinas sa 2018 Asian Games skateboarding competition.
Nalaman ng KAMI na pang-apat pala sa limang magkakapatid si Margielyn. Karpintero ang kanyang ama habang kasambahay naman ang kanyang ina.
Ayon pa sa panayam ng GMA news sa pamilya ni Margielyn, tumutulong pa noon ito sa inang nagtitinda rin ng kwek-kwek malapit sa simbahan ng Lahug, Cebu City upang may dagdag panggastos.
Sa lugar na ito rin natutong mag-skateboard ang gold medalist sa edad niya noong labindalawa.
Sa una'y tutol ang ina lalo pa at delikado ang gawaing ito sa isang babae gaya ni Margielyn. Ngunit ayaw paawat nito at nagbunga naman ng tagumpay ang kanyang kinahiligan.
Sa pagtuloy na pag-skateboard, kinailangan niyang i-sakripisyo ang kanyang pag-aaral.
Iba't-ibang kompetisyon na rin pala ang napanalunan ng 19 na taong gulang ng skater sa loob at labas ng bansa bago pa niya makamit ang ginto sa Asian games.
"Unang-una proud kami sa 'yo. Salamat sa Panginoon binigay niya 'yang hiling niya. Siya ang nagbigay noon hindi kami," sabi ni Julie ina ni Margielyn.
Narito ang highlights ng laban ni Didal sa Asian Games:
Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
In this social experiment, you can see how different people react when a man throws a garbage bag right next to them. How will they handle the littering problem? Will, they pick it up or leave it? Philippines Social Experiment: Do Locals Care About The Environment? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.
Source: KAMI.com.gh