Japanese coach Munehiro Kugimiya, nagbalik-tanaw sa kanyang PH journey

Japanese coach Munehiro Kugimiya, nagbalik-tanaw sa kanyang PH journey

  • Inilahad ni Munehiro Kugimiya ang kanyang karanasan sa Pilipinas sa isang year-end post noong 2024
  • Ikinuwento niya ang kanyang pagsasakripisyo para sa mga atleta ng Pilipinas mula pa noong 2013
  • Binanggit niya ang mahalagang papel ng suporta ng iba sa tagumpay ng mga atleta
  • Nagpaabot siya ng mensahe ng pasasalamat at inspirasyon para sa kasalukuyan at hinaharap na henerasyon ng mga atleta

Sa kanyang year-end post nitong Martes, muling ibinahagi ng Japanese gymnastics coach na si Munehiro Kugimiya ang kanyang mga karanasan sa Pilipinas, lalo na ang kanyang naging ugnayan sa dalawang beses na Olympic champion na si Carlos Yulo.

Japanese coach Munehiro Kugimiya, nagbalik-tanaw sa kanyang PH journey
Japanese coach Munehiro Kugimiya, nagbalik-tanaw sa kanyang PH journey
Source: Facebook

Bagamat hindi direktang binanggit si Yulo, naikuwento ni Kugimiya ang kanilang naging paglalakbay sa Tokyo Olympics.

Ayon kay Kugimiya, natupad niya ang isa pang pangako nang makasama sa hapunan ang pamilya ni Yulo sa kanyang pagbisita sa bansa.

Ang mga pagkain na kinain niya sa panahon ng kahirapan ay nananatili umanong mahalaga sa kanya.

Read also

Arnold Clavio, nag-react sa pelikula ni Darryl Yap: "Hindi dapat mawala ang respeto sa kapwa"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Muling binalikan ni Kugimiya ang kanyang unang pagpunta sa bansa noong 2013, nang lumahok si Yulo sa Palarong Pambansa.

"I came to the Philippines in 2013. Back then, because I was not able to receive the salary that was planned, my savings gradually dwindled. I had to survive on a few hundred pesos every day, while training the athletes. I remember my mother, who has since passed away, begging me to come home to Japan. But I could not leave the athletes who were relying on me," kuwento ng beteranong coach.

Ibinahagi rin niya ang masakit na alaala ng hindi makauwi sa Japan nang mamatay ang kanyang ina dahil sa kakulangan ng pera.

Sa kabila nito, nag-iwan si Kugimiya ng mensahe para sa mga atleta ng Pilipinas:

Matapos ang kanilang paghihiwalay ni Yulo noong 2023, si Kugimiya ay nagpatuloy sa pag-coach kina Karl Eldrew at Elaiza Yulo sa Japan.

Samantala, si Yulo ay kasalukuyang hawak na ni Aldrin Castañeda bilang kanyang bagong coach.

Read also

Mommy ni Barbie Forteza, nagpost ng quote bago ang breakup post ng anak

Si Angelica Yulo ay ang ina ni Carlos Yulo, isang kilalang gymnast na nagwagi ng mga gintong medalya sa mga internasyonal na kompetisyon, kabilang na ang Tokyo 2020 Olympics at 2024 Olympics. Bukod kay Carlos ay nakikilala rin ang dalawa pa niyang anak na sina Karl Eldrew at Elaiza Yulo sa larangan ng gymnastics.

Ayon sa batikang showbiz insider na si Ogie Diaz, isang pelikula ang nakatakdang ipagawa tungkol sa makulay na buhay ng "Ulirang Ina" awardee na si Angelica Yulo. Ibinunyag ni Ogie ang tungkol sa balitang ito sa kanyang Youtube channel na Ogie Diaz Showbiz Update.

Tila puno ng pagmamalaki si Karl Eldrew Yulo, ang nakababatang kapatid ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo, nang ibahagi niya ang pinakamahalagang bagay na libre niyang natanggap mula sa kaniyang mga tagumpay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: