Carlos Yulo, may bagong chocolate drink commercial

Carlos Yulo, may bagong chocolate drink commercial

- Nagpakita si Carlos Yulo sa bagong commercial para sa IAM Worldwide chocolate drink at tinawag itong "bagong paborito"

- Sinabi ni Yulo na mahilig siya sa chocolate drink ngunit nais niya ng mas malusog na opsiyon kaya’t pinili niya ang produktong ito

- Nakita ng mga netizens ang kanyang pahayag bilang banat sa dating sponsor na binatikos dahil sa mataas na sugar content ng produkto

- Nagdulot ng iba’t ibang reaksiyon ang paglipat ni Yulo ng endorsement, kung saan pinuri ng iba ang pagpili niya ng mas healthy na option

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Muling nakita si Carlos Edriel Poquiz Yul sa isang patalastas para sa isang bagong chocolate drink mula sa networking company na IAM Worldwide. Tinawag ni Carlos ang produkto bilang kanyang "bagong paborito."

Carlos Yulo, may bagong chocolate drink commercial (Jay Dee Pre | Facebook)
Carlos Yulo, may bagong chocolate drink commercial (Jay Dee Pre | Facebook)
Source: Facebook

Lumabas ang balitang ito kasabay ng usap-usapan na natapos na ang kanyang partnership sa dating kilalang chocolate drink brand matapos hindi siya nabigyan ng sapat na pagkilala mula rito sa kabila ng kanyang pagkapanalo ng gintong medalya sa 2024 Paris Olympics.

Read also

Teacher, emosyonal na ibinahagi ang kakaibang regalong natanggap

Sa isang video na inilabas ng IAM Worldwide, ibinahagi ni Carlos ang kanyang pagkahilig sa chocolate drink ngunit binigyang-diin niya ang kahalagahan ng malusog na pagpipilian. “Mahilig talaga ako sa chocolate drink, kaya lang madalas hindi ito healthy,” ani Carlos. “Pero nahanap ko na ang healthy chocolate drink, ang aking new favorite,” dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Carlos Edriel Poquiz Yulo o mas kilala bilang Caloy, ay isang kinikilalang atleta na nagsimulang sumabak sa gymnastics sa edad na pito at sumali sa pambansang koponan noong 2018. Nakilala siya bilang isang two-time Olympic champion matapos mag-uwi ng gintong medalya sa floor exercise at vault sa 2024 Paris Olympics. Siya rin ang kauna-unahang Pilipino at Southeast Asian gymnast na nagwagi ng medalya sa World Artistic Gymnastics Championships, kung saan nagtamo siya ng bronze noong 2018 at gold noong 2019.

Read also

44-Anyos na babae brutal na pinatay sa Sara, Iloilo; stepdaughter, ginahasa ng suspek

Ngayong 2024 Paris Olympics, si Yulo rin ang naging unang lalaking atleta at gymnast na mula sa Pilipinas na nag-uwi ng dalawang gintong medalya. Samantala, ibinunyag ng ina ni Carlos Yulo na si Angelica Poquiz Yulo ang kanilang samaan ng loob ay dahil sa daw kasintahan ng anak na si Chloe San Jose.

Sa gitna ng mgaakusasyon ay espikulasyon na siya ang ugat ng tensyon sa pagitan ni Carlos at ng kanyang pamilya, nanatiling matatag si Chloe San Jose. Sa comment section ng post niya, tinanong pa niya kung bakit nawala ang video ng panayam sa ina ni Carlos at humiling siya ng kopya para daw sa kanyang reference.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate