Chloe San Jose, hindi nagpatinag sa mga negatibong komento

Chloe San Jose, hindi nagpatinag sa mga negatibong komento

- Hindi nagpatinag si Chloe San Jose sa mga negatibong komento ng ilang netizens tungkol sa kanyang relasyon kay Carlos Yulo

- Isang netizen ang bumatikos sa kanya, sinasabing nagpapakasasa siya sa pera ni Carlos, na agad namang sinagot ni Chloe

- Pinalagan din ni Chloe ang mga paratang na tinalikuran na ni Carlos ang kanyang pamilya dahil sa kanilang relasyon

- Sa kabila ng mga mapanirang salita, pinanatili ni Chloe ang pagiging kalmado at may paninindigan sa kanyang mga tugon

Hindi nagpatinag si Chloe San Jose sa mga negatibong komento ng ilang netizens matapos niyang ibahagi ang isang larawan nila ni Carlos Yulo mula sa kanilang biyahe sa South Korea. Sa kabila ng mga mapanirang pahayag, matapang na sinagot ni Chloe ang mga ito.

Chloe San Jose, hindi nagpatinag sa mga negatibong komento
Chloe San Jose, hindi nagpatinag sa mga negatibong komento
Source: Facebook

Isang netizen ang nagkomento, "Di ka naman nahihiya ikaw yung nag papakasasa sa pera ni Caloy ang kapal din ng mukha mo no kasing kapal ng hallow blocks." Matapang itong sinagot ni Chloe, "Gawain mo siguro yan, mag pakasasa sa pera ng iba... ganyan talaga siguro mag salita yung mga people who don't know how to earn their own money and ginagamit ibang tao as investment for their own leisure."

Read also

Angelica Yulo, nagbabala sa mga fake accounts na gumagamit sa pangalan nya

Isa pang netizen ang nagsabi na tila tinalikuran na ni Chloe ang pamilya ni Carlos Yulo, na hindi raw nagawang itreat ng kahit isang lechon. Sagot naman ni Chloe, "Okaaayyddtt toxic behaviour enjoyer—ikaw na lang, kaya mo na yan auntie! Gow gow gow."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kabila ng mga negatibong puna, nanatiling kalmado at may sentido de komon si Chloe sa kanyang mga tugon, pinatutunayan na hindi siya basta-basta magpapaapekto sa mga mapanirang salita.

Si Carlos Edriel Yulo ay isang tanyag na gymnast mula sa Pilipinas na nagningning sa mga kumpetisyon sa gymnastics, partikular sa floor exercise at vault. Mula pagkabata, nagsimula na siyang magsanay, at nabigyan siya ng pagkakataong mag-aral at mag-ensayo sa Japan, kung saan lalo pang pinahusay ang kanyang mga kakayahan. Noong 2019, siya ang kauna-unahang Pilipino na nakasungkit ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships.

Read also

Jake Ejercito, nagbahagi ng entry sa kanyang #JEllieConvos

Ngayong 2024 Paris Olympics, si Yulo rin ang naging unang lalaking atleta at gymnast na mula sa Pilipinas na nag-uwi ng dalawang gintong medalya. Samantala, ibinunyag ng ina ni Carlos Yulo na si Angelica Poquiz Yulo ang kanilang samaan ng loob ay dahil sa daw kasintahan ng anak na si Chloe San Jose.

Sa gitna ng mgaakusasyon ay espikulasyon na siya ang ugat ng tensyon sa pagitan ni Carlos at ng kanyang pamilya, nanatiling matatag si Chloe San Jose. Sa comment section ng post niya, tinanong pa niya kung bakit nawala ang video ng panayam sa ina ni Carlos at humiling siya ng kopya para daw sa kanyang reference.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate