Chloe San Jose, sinagot ang komentong inaagawan nya ng spotlight si Caloy

Chloe San Jose, sinagot ang komentong inaagawan nya ng spotlight si Caloy

- Sinagot ni Chloe San Jose ang isang netizen na nag-akusa sa kanya ng pang-aagaw ng spotlight mula kay Carlos Yulo

- Ayon kay Chloe, hindi siya nagpapa-interview upang hindi maagaw ang atensyon mula kay Carlos sa kabila ng mga tagumpay nito

- Ipinahayag ni Chloe ang kanyang pagkadismaya sa mga tao na nagkokomento nang walang alam sa tunay na sitwasyon

- Tinapos ni Chloe ang kanyang sagot sa pamamagitan ng pagpapaalala sa netizen na maaaring puntahan ang page ni Caloy kung nais lamang nito makita ang atleta

Sinagot ni Chloe San Jose, kasintahan ng Olympic gold medalist na si Carlos Yulo, ang isang netizen na nag-akusa sa kanya ng pang-aagaw ng spotlight mula kay Caloy. Ang nasabing komento ay nagmula sa isang post ni Chloe, kung saan pinuna ng netizen ang umano'y labis na pagkagusto ni Chloe sa atensyon.

Read also

Darren Espanto, hindi natuloy sa It's Showtime dahil kinailangang operahan

Chloe San Jose, sinagot ang komentong inaagawan nya ng spotlight si Caloy
Chloe San Jose, sinagot ang komentong inaagawan nya ng spotlight si Caloy
Source: Facebook

"It seems the tides are slowly starting to work against you. Carlos will always be loved by all Filipinos. No one can ever take that away from him. Not even you," ani ng netizen.

Bilang tugon, ipinahayag ni Chloe ang kanyang pagkadismaya sa mga akusasyon. "You haven't seen any media interview me because I DECLINE TO BE INTERVIEWED AND NOT TAKE AWAY HIS SPOTLIGHT, as you said," sagot ni Chloe. Ayon sa kanya, hindi siya nagpapa-interview upang hindi maagaw ang atensyon mula kay Carlos, lalo na sa kabila ng mga tagumpay na natamo nito.

Dagdag pa ni Chloe, "People would really just say anything to prove a point even if they don't know anything about the situation and only know what we've put out on socmed." Ipinunto rin niya na walang masyadong nagbigay pansin sa kanilang relasyon bago pa man manalo si Carlos, kaya nagtataka siya sa biglang pagsawsaw ng mga tao ngayon.

Read also

Peraphy contestant na si Angelito, naglabas ng sama ng loob sa mga aniya'y taong walang respeto

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kanyang pagtatapos, tinanong ni Chloe ang netizen kung bakit ito nasa kanyang page kung gusto lamang nitong makita si Caloy. "If you want to see Caloy and Caloy only, why are you on my page? Go ahead to Caloy's page to feel better. All love," wika pa ni Chloe, na ipinapakita ang kanyang paninindigan sa gitna ng kontrobersiya.

Si Carlos Edriel Yulo ay isang tanyag na gymnast mula sa Pilipinas. Siya ay kilala sa kanyang mga kahanga-hangang pagtatanghal sa iba't ibang gymnastics competitions, partikular na sa floor exercise at vault. Si Yulo ay nagsimulang mag-train sa murang edad at nagkaroon ng pagkakataong mag-aral at magsanay sa Japan, na lalong nagpahusay sa kanyang kasanayan. Siya ang kauna-unahang Pilipino na nanalo ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships noong 2019.

Read also

Julia Barretto, nag-aalala pero proud kay Gerald Anderson sa pagtulong nito noong bagyo

Naging kauna-unahang gymnast at lalaking atleta mula sa Pilipinas si Carlos Yulo na nanalo ng gintong medalya sa 2024 Paris Olympics. Inihayag ng ina ni Yulo na si Angelica Poquiz Yulo ang alitan nila dahil sa kasintahan ni Caloy na si Chloe San Jose.

Hindi nagpatinag si Chloe San Jose sa kabila ng alegasyon na siya ang dahilan ng tensyon sa pagitan ni Carlos Yulo at ng kanyang pamilya. Sa comment section ng post niya, tinanong ni Chloe kung bakit nawala ang video ng panayam sa ina ni Carlos at humingi ng kopya para sa reference.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate