Atty. Raymond Fortun, naglabas ng pahayag kaugnay sa presscon ni Angelica Yulo
- Natahimik daw ang lahat matapos basahin ni Mrs. Yulo ang kanyang pahayag sa ginanap na press conference
- Ipinahayag ni Raymond Fortun na kinailangang itama ni Mrs. Yulo ang mga maling impresyon ng publiko
- Humingi ng paumanhin si Mrs. Yulo at ipinahayag ang pagmamahal sa kanyang anak sa harap ng publiko
- Umaasa si Fortun na ang press conference ay makakatulong sa pag-aayos ng pamilya nila Mrs. Yulo at magkasintahang Carlos at Chloe
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Naglabas ng pahayag si Att. Raymond Fortun upang linawin ang dahilan ng pagsagawa ng presscon ni Angelica Yulo.
Aniya, Lunes ng gabi nang pumayag siyang maging kinatawan ni Mrs. Yulo. Bilang isang batikang spokesperson sa ilang high-profile na kaso, alam niyang may mga bagay na naipost at nasabi sa mga interview ni Mrs. Yulo na hindi dapat sinabi. At ang galit ng publiko sa kanyang mga aksyon ay halos winawasak ang kanyang pamilya at ang bayan.
Mahalaga para kay Mrs. Yulo na itama ang mga pagkakamali at maling impresyon tungkol sa kanyang mga aksyon sa isang pampublikong paraan, dahil malinaw na ang publiko ay sangkot. Kailangan itong gawin sa isang press conference na kaya niyang kontrolin dahil kasama siya ni Mrs. Yulo — para humingi ng paumanhin sa kanyang mga nasabi, upang sabihing mahal pa rin niya ang kanyang anak, at upang ipahayag sa anak at sa publiko na masaya siya sa kanyang pagkapanalo.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Aniya, natahimik ang lahat ng naroroon nang matapos basahin ni Mrs. Yulo ang kanyang statement at naniniwala siyang ramdam ng mga naroroon ang sensiridad ni Mrs. Yulo.
Para kay Fortun, ito ang daan patungo sa pag-aayos ng pamilya. Hindi lahat ay makakaunawa, hindi lahat ay mag-aapruba ng kanyang mga pamamaraan. Ngunit kailangan niyang gawin ang nararapat sa pinakamabilis na oras, nang walang takot sa mga magiging resulta.
Umaasa si Fortun na ang press conference kahapon ay magpapagaling sa lahat ng sugat, upang makausad na ang lahat sa isyu.
"Yung mga mema at sawsaw na lang ang malungkot, kasi wala na silang malalagay sa FB o YouTube nila. I reckon I would be doing the nation a favor with that, as well," pagtatapos niya.
Si Carlos Edriel Yulo ay isang tanyag na gymnast mula sa Pilipinas. Siya ay kilala sa kanyang mga kahanga-hangang pagtatanghal sa iba't ibang gymnastics competitions, partikular na sa floor exercise at vault. Si Yulo ay nagsimulang mag-train sa murang edad at nagkaroon ng pagkakataong mag-aral at magsanay sa Japan, na lalong nagpahusay sa kanyang kasanayan. Siya ang kauna-unahang Pilipino na nanalo ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships noong 2019.
Naging kauna-unahang gymnast at lalaking atleta mula sa Pilipinas si Carlos Yulo na nanalo ng gintong medalya sa 2024 Paris Olympics. Inihayag ng ina ni Yulo na si Angelica Poquiz Yulo ang alitan nila dahil sa kasintahan ni Caloy na si Chloe San Jose.
Hindi nagpatinag si Chloe San Jose sa kabila ng alegasyon na siya ang dahilan ng tensyon sa pagitan ni Carlos Yulo at ng kanyang pamilya. Sa comment section ng post niya, tinanong ni Chloe kung bakit nawala ang video ng panayam sa ina ni Carlos at humingi ng kopya para sa reference.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh