Eldrew Yulo, nakiusap sa kanyang kuya na babaan ang pride nito

Eldrew Yulo, nakiusap sa kanyang kuya na babaan ang pride nito

- Nakiusap si Eldrew Yulo sa kanyang kuya na babaan ang pride nito at ayusin ang kanilang hidwaan

- Sinabi ni Eldrew na bukas palad silang tatanggapin ang kanyang kuya kung maisipan nitong bumalik sa kanilang pamilya

- Hinimok rin ni Eldrew ang kanyang kuya na intindihin ang kanilang ina at mag-adjust bilang mga lalaki

- Ipinahayag ni Eldrew ang kanyang pag-asa na maayos na ang kanilang pamilya at hindi na kailangan mag-seek ng atensyon mula sa kanyang kuya

Sa isang panayam ng Bombo Radyo Philippines, ibinahagi ng pamilya ni Carlos Yulo ang kanilang saloobin ukol sa isyu ng alitan sa kanilang pamilya. Sa nasabing panayam, nakiusap si Eldrew Yulo sa kanyang kuya na babaan ang pride nito at ayusin na ang kanilang hidwaan.

Eldrew Yulo, nakiusap sa kanyang kuya na babaan ang pride nito
Eldrew Yulo, nakiusap sa kanyang kuya na babaan ang pride nito
Source: Facebook

Sinabi ni Eldrew na hindi nila pinipilit ang kanyang kuya na bumalik sa kanilang pamilya, ngunit kung sakaling maisipan nito, bukas palad silang tatanggapin siya. Ayon sa kanya, hindi sila lumalapit dahil nanalo ito sa kompetisyon kundi dahil nais lamang nilang magkasama-sama bilang pamilya. Sinabi niya na hindi nila kailangan ipagsabi o manghingi ng atensyon mula sa kanyang kuya.

Read also

Niña Jose, may matapang na mensahe sa aniya'y 'itchy girls at higad'

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hinimok rin ni Eldrew ang kanyang kuya na lapitan na ang kanilang ina at intindihin na bilang babae, mataas talaga ang pride nito. Ipinunto niya na bilang mga lalaki, sila ang dapat mag-adjust upang matapos na ang gulo. Ayon pa kay Eldrew, hindi gusto ng kanilang ina na sila lagi ang lumalapit para humingi ng atensyon, at dapat may kusa rin ang kanyang kuya na makipag-ayos.

Dagdag pa ni Eldrew, hindi siya galit sa kanyang kuya ngunit nagtatampo lamang dahil kailangan pa nilang mag-seek ng atensyon mula rito. Bilang kapatid, hindi mataas ang kanyang pride at nagalit lamang siya pansamantala. Sa huli, ipinahayag ni Eldrew ang kanyang pag-asa na maayos na ang kanilang pamilya.

Si Carlos Edriel Yulo ay isang tanyag na gymnast mula sa Pilipinas. Siya ay kilala sa kanyang mga kahanga-hangang pagtatanghal sa iba't ibang gymnastics competitions, partikular na sa floor exercise at vault. Si Yulo ay nagsimulang mag-train sa murang edad at nagkaroon ng pagkakataong mag-aral at magsanay sa Japan, na lalong nagpahusay sa kanyang kasanayan. Siya ang kauna-unahang Pilipino na nanalo ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships noong 2019.

Read also

Carlos Yulo, sinagot ang mga naging pahayag ng kanyang ina

Naging kauna-unahang gymnast at lalaking atleta mula sa Pilipinas si Carlos Yulo na nanalo ng gintong medalya sa 2024 Paris Olympics. Inihayag ng ina ni Yulo na si Angelica Poquiz Yulo ang alitan nila dahil sa kasintahan ni Caloy na si Chloe San Jose.

Hindi nagpatinag si Chloe San Jose sa kabila ng alegasyon na siya ang dahilan ng tensyon sa pagitan ni Carlos Yulo at ng kanyang pamilya. Sa comment section ng post niya, tinanong ni Chloe kung bakit nawala ang video ng panayam sa ina ni Carlos at humingi ng kopya para sa reference.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate