Angelica Yulo, kinumpirma ang tampo sa anak pero masaya para sa tagumpay nito

Angelica Yulo, kinumpirma ang tampo sa anak pero masaya para sa tagumpay nito

- Nagsalitang muli ang ina ni 2-time Olympics Gold medalist Carlos Yulo sa pamamagitan ng isang panayam sa GMA news

- Kinumpirma niyang may tampo siya sa anak kaugnay sa nabanggit ng anak kaugnay sa pera

- Sinabi daw nito ang tungkol sa perang umano'y 'ninakaw, nilustay, winaldas' sa luho niya na aniya ay walang katotohanan

- Handa daw siyang maglabas ng ebidensiya para patunayan ang kanyang sinasabi

Kinumpirma ni Angelica Yulo ang kanyang tampo sa anak, si Carlos Yulo, sa pamamagitan ng isang panayam sa GMA News. Ayon sa kanya, malaki ang kanyang tampo dahil sa mga pahayag ni Carlos hinggil sa pera, na umano'y 'ninakaw, nilustay, winaldas' sa luho, na ayon kay Angelica ay walang katotohanan.

Angelica Yulo, kinumpirma ang tampo sa anak pero masaya para sa tagumpay nito
Angelica Yulo, kinumpirma ang tampo sa anak pero masaya para sa tagumpay nito
Source: Youtube

Ipinaliwanag ni Angelica na handa siyang maglabas ng ebidensiya upang patunayan ang kanyang sinasabi at ipakita na walang nagbago sa kanilang lifestyle mula noon hanggang sa nagkapera na ang anak na si Caloy. Labis siyang nasaktan sa mga paratang na siya ay magnanakaw.

Read also

Gerald Santos, naglabas ng pahayag sa nangyari sa kanya noon

Sinabi rin ni Angelica na kahit na masakit ang mga pahayag ng kanyang anak, masaya siya sa tagumpay na tinatamasa nito. Sa kabila ng kanyang tampo, ipinahayag niyang hindi niya balak na lumapit upang makipag-ayos sa kanyang anak sa ngayon. Ayon sa kanya, maari siyang mahusgahan ng publiko dahil sa mga insentibo na kasama ng pagkapanalo ni Carlos mula sa iba't-ibang private companies at mula sa pamahalaan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Carlos Edriel Yulo ay isang tanyag na gymnast mula sa Pilipinas. Siya ay kilala sa kanyang mga kahanga-hangang pagtatanghal sa iba't ibang gymnastics competitions, partikular na sa floor exercise at vault. Si Yulo ay nagsimulang mag-train sa murang edad at nagkaroon ng pagkakataong mag-aral at magsanay sa Japan, na lalong nagpahusay sa kanyang kasanayan. Siya ang kauna-unahang Pilipino na nanalo ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships noong 2019.

Read also

Angeli Khang, kinuwento ang experience na nag-away ang mag-asawa dahil sa kanya

Naging kauna-unahang gymnast at lalaking atleta mula sa Pilipinas si Carlos Yulo na nanalo ng gintong medalya sa 2024 Paris Olympics. Inihayag ng ina ni Yulo na si Angelica Poquiz Yulo ang alitan nila dahil sa kasintahan ni Caloy na si Chloe San Jose.

Hindi nagpatinag si Chloe San Jose sa kabila ng alegasyon na siya ang dahilan ng tensyon sa pagitan ni Carlos Yulo at ng kanyang pamilya. Sa comment section ng post niya, tinanong ni Chloe kung bakit nawala ang video ng panayam sa ina ni Carlos at humingi ng kopya para sa reference.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate