Chloe San Jose, matapang na sinagot ang mga alegasyon at komento

Chloe San Jose, matapang na sinagot ang mga alegasyon at komento

- Hindi nagpatinag si Chloe San Jose sa kabila ng alegasyon na siya ang dahilan ng tensyon sa pagitan ni Carlos Yulo at ng kanyang pamilya

- Sa comment section ng post niya, tinanong ni Chloe kung bakit nawala ang video ng panayam sa ina ni Carlos at humingi ng kopya para sa reference

- Sinagot ni Chloe ang isang komento na nag-akusa sa kanya ng pagiging "gold digger" at sinabi na ang mga ganitong gawain ay ipinapasa lamang sa kanya

- Nagpakita si Chloe ng matibay na paninidigan sa kabila ng mga negatibong opinyon at alegasyon laban sa kanya

Hindi nagpatinag si Chloe San Jose sa kabila ng mga alegasyon na lumabas matapos ang panayam sa ina ng Olympics champion na si Carlos Yulo. Sa naturang panayam, sinabi ng ina ni Carlos na siya ang dahilan ng tensyon sa pagitan ni Carlos at ng kanyang pamilya, at tila nilalayo daw siya ni Chloe mula sa kanila.

Read also

Nanay ni Carlos Yulo, nagsalita sa pinagmulan nh kanilang samaan ng loob

Chloe San Jose, matapang na sinagot ang mga alegasyon at komento
Chloe San Jose, matapang na sinagot ang mga alegasyon at komento
Source: Facebook

Sa comment section ng kanyang post, nagtanong si Chloe kung bakit nawala ang video ng panayam sa ina ni Carlos. "HUIIII WHY NAMAN NOT AVAILABLE? Panindigan niyo yan! Baka may nakapag-screen rec, need for reference laturrrrr please," ani Chloe.

Sinagot din ni Chloe ang isang komento na nagtatanong kung bakit ang interview ay tungkol sa kanya at sinabing "gold digger" siya. Sagot ni Chloe: "SARILING GAWAIN NIYA LODS IPAPASA NIYA SAKIN. WAIT LANG SIYA SA BANK STATEMENT."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pinili ni Chloe na ipaglaban ang kanyang sarili sa kabila ng mga komento at alegasyon, at ipinakita ang kanyang determinasyon na hindi magpapaapekto sa mga negatibong opinyon.

Si Carlos Edriel Yulo ay isang tanyag na gymnast mula sa Pilipinas. Siya ay kilala sa kanyang mga kahanga-hangang pagtatanghal sa iba't ibang gymnastics competitions, partikular na sa floor exercise at vault. Si Yulo ay nagsimulang mag-train sa murang edad at nagkaroon ng pagkakataong mag-aral at magsanay sa Japan, na lalong nagpahusay sa kanyang kasanayan. Siya ang kauna-unahang Pilipino na nanalo ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships noong 2019

Read also

BINI Maloi, may makulit na komento sa bumati kay Carlos Yulo

Matatandaang hindi napigilang maging emosyonal ng pambato ng Pilipinas sa weightlifting na si Hidilyn Diaz. Ito ay matapos niyang maiuwi ang kauna-unahang gold medal ng Pilipinas sa Olympic Games noong 2021. Tinalo ni Hidilyn ang pambato ng China na si Liao Qiuyun na nakakuha ng silver at bronze naman para kay Zulfiya Chinshanlo ng Kazakhstan.

Wagi naman si Hidilyn sa 2022 World Weightlifting Championships sa Bogota, Columbia. Lahat ng tatlong gintong medalya sa women’s 55kg ay nasungkit ni Hidilyn.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate