Rendon Labador, hindi na umano hahawak ng bola kapag natalo ni Marc Pingris

Rendon Labador, hindi na umano hahawak ng bola kapag natalo ni Marc Pingris

- Ayon kay Rendon Labador, wala umano siyang hihingiing talent fee kung magaganap ang one on one match nila ni Marc Pingris

- Sa mga maliliit lang naman umano lumalaban si Marc at hindi daw ito lumalaban sa parehas niya na kasingtangkad ng basketbolista

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Kapag natalo daw siya ni Marc ay hindi na siya hahawak ng bola kahit kailan at hindi na siya lalaban sa Battle of the YouTubers

- Dagdag pa ni Rendon, dapat ay huwag siyang hahamunin kung aatras lang naman sa kanya

Ayon kay Rendon Labador, dapat ay huwag siyang hahamunin kung aatras lang din naman. Hindi na umano siya hahawak ng bola kapag natalo siya ni Marc Pingris sa one on one na hamon nito sa kanya.

Rendon Labador, hindi na umano hahawak ng bola kapag natalo ni Marc Pingris
Rendon Labador, hindi na umano hahawak ng bola kapag natalo ni Marc Pingris (facebook.com/rendonlabadorfitness)
Source: Facebook

Sa isang video na nilabas ng content creator na si MG, naging maanghang ang pahayag ng social media inflencer na si Rendon Labador kaugnay sa umano'y pagpalag niya sa hamon sa kanya ni Marc Pingris.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sinabi pa nito na hindi naman lumalaban si Marc sa kasingtangkad niya at pawang maliliit lang umano ang nilalabanan nito. Dagdag pa niya, madami umanong dahilan ni Marc. Aniya baka natatakot lang ito na labanan siya.

Si Rendon Labador ay nakilala bilang isang motivational speaker. Matatandaang unang naging usap-usapan si Rendon sa social media matapos mag-viral ang kanyang komento sa isang netizen.

Matatandaang hinamon ni Kiko Matos ang influencer na si Rendon para sa isang one-on-one. Nasabi na rin nito sa isang video na handa siyang magdemanda sa tinaguriang motivational speaker. Kaugnay ito sa pagsapak sa kanya ni Rendon pagkatapos ng basketball match ni Rendon at isa pang YouTuber. Si Kiko ay naroroon din sa venue para magsilbing commentator sa nasabing match.

Matapos ang pag-viral ng pagsampal niya kay Kiko Matos, naglabas ng kanyang pahayag si Rendon. Nilinaw niyang walang kinalaman ang lahat ng affiliations niya at mga produktong iniendorso niya. Naiintindihan niyang karapatan ni Kiko na magdemanda dahil sa kanyang nagawa sa naganap na Battle of the YouTubers: Rendon vs. Jonah. Hindi niya umano pino-promote ang violence at hindi siya proud sa kanyang ginawa ngunit nais niyang ibahagi ang mensahe sa mga tao na huwag hayaang tapakan ng ibang tao.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel