Kobe Bryant tragedy: Huling komunikasyon sa piloto nito bago ang crash, lumabas

Kobe Bryant tragedy: Huling komunikasyon sa piloto nito bago ang crash, lumabas

- Isang audio footage ang lumabas kaugnay ng trahedyang kinasangkutan ng NBA legend na si Kobe Bryant at walong iba pa

- Sa nasabing audio, ipinarinig ang huling komunikasyon ng mga awtoridad sa piloto ni Kobe

- Tila hindi nagkaintindihan ang dalawang panig at maya-maya pa ay tuluyan nang nawala ang contact sa piloto

- Una nang sinabi ng Los Angeles Police Department, ang kondisyon ng panahon ay hindi angkop sa paglipad dahil sa hamog

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang audio footage ang lumabas kaugnay ng trahedyang kinasangkutan ng NBA legend na si Kobe Bryant at ng anak nitong si Gianna kasama ng pitong iba pa.

Sa nasabing audio, ipinarinig ang huling komunikasyon ng mga awtoridad sa piloto ni Kobe na si Ara Zobayan.

Maririning sa Air traffic report na tila hindi nagkaintindihan ang dalawang panig.

Hanggang sa napansin na masyadong mababa ang lipad ng chopper bago tuluyang nawalan ng contact sa piloto.

Nag-crash ang chopper ni Kobe sa Calabasas, Los Angeles.

Sinabi rin ng Los Angeles Police Department na ang kondisyon ng panahon ay hindi angkop sa paglipad dahil sa hamog.

Nauna nang nagbigay ng pahayag ang dating piloto ni Kobe na si Kurt Deetz.

”The likelihood of a catastrophic twin engine failure on that aircraft - it just doesn't happen," ayon kay Kurt sa isang panayam sa LA Times.

Bukod kina Kobe at Gianna, ipinagluluksa rin ang pagkamatay ng piloto ng mga naulila nito.

Kabilang din sa mga nasawi sa aksidente ay ang Orange Coast College baseball coach na si John Altobelli, 56, anak na si Alyssa at asawang si Keri.

Nasawi rin sa trahedya ang Harbor Day School assistant coach na si Christina Mauser at ang mag-inang sina Sarah at Payton Chester.

Una nang naiulat ng nang sumambulat ang kalunos-lunos na aksidente na ikinasawi ng idolo ng marami at itinuturing na legend sa basketball na si Kobe Bryant.

Milyon-milyong fans mula sa buong mundo ang nagluluksa sa pagkamatay ni Kobe.

Narito ang audio footage mula sa FB page na NBA2k GameLover:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

POPULAR: Read more viral stories here!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel