Dating Senate President na si Juan Ponce Enrile, pumanaw sa edad na 101
- Kinumpirma ng anak na si Katrina Ponce Enrile ang pagpanaw ng kanyang ama, si Juan Ponce Enrile, ngayong Nobyembre 13, 2025, sa ganap na 4:21 p.m., na nakapaligid ng pamilya sa kanilang tahanan
- "It was his heartfelt wish to take his final rest at home," aniya, na nagpapasalamat sa pagkakataon na mapunan ang hiling nito sa mga huling sandali
- Hiniling ng pamilya ang pag-unawa para sa pribadong pagdadalamhati, habang nag-aasikaso ng mga detalye para sa public viewing
- Si Enrile, dating Senate President at chief presidential legal counsel ni Pangulong Marcos Jr., ay inilarawan na "icon sa pantheon ng kasaysayan ng Pilipinas" ng pangulo
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Pumanaw na si dating Senate President at chief presidential legal counsel ng Pangulong Bongbong Marcos na si Juan Ponce Enrile sa edad na 101.
Kinumpirma ito ng kanyang anak na si Katrina Ponce Enrile sa isang emosyonal na pahayag sa Facebook ngayong Nobyembre 13, 2025.

Source: Facebook
"It is with profound love and gratitude that my father, Juan Ponce Enrile, peacefully returned to his Creator on November 13, 2025, at 4:21 p.m., surrounded by our family in the comfort of our home," simula ng pahayag ni Katrina.
Binahagi niya ang pag-asa ng kanyang ama na mapagbigyan ang kanyang hiling na magpahinga sa tahanan kasama ang pamilya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"It was his heartfelt wish to take his final rest at home, with his family by his side. We were blessed to honor that wish and to be with him in those sacred final moments," dagdag niya.
Binigyang-diin din ni Katrina ang dedikasyon ng kanyang ama sa serbisyo publiko.
"He dedicated much of his life to the service of the Filipino people," aniya. Upang bigyan-daan ang pribadong pagdadalamhati, hiniling niya ang pag-unawa ng publiko: "At this time, we humbly ask for the public’s understanding as our family takes a brief moment to grieve privately and honor his memory together in quiet and in peace."
Maaari raw mag-abot ng mga detalye para sa public viewing kapag natapos na ang mga ayusin, upang magkaroon ng pagkakataon ang mga gustong magbigay-pugay.
"On behalf of our family, I extend our deepest gratitude for the overwhelming love, prayers, and support we have received during this difficult time. Your kindness means more than words can express," pagtatapos ng mensahe ni Katrina.
Sa kabilang banda, nagbigay rin ng pahayag si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa isang talumpati sa Malacañang. "He is an icon in the pantheon of Philippine history," aniya.
Ayon sa ulat ng GMA Integrated News, ilang araw bago ang kanyang pagpanaw, noong Oktubre 24, 2025, nakadalo pa si Enrile sa online promulgation ng kanyang graft cases mula sa ospital, kung saan siya ginagamot dahil sa pneumonia, ayon kay Katrina.
Inabsuwelto ng Sandiganbayan Special Third Division si Enrile, ang kanyang dating chief-of-staff na si Jessica "Gigi" Reyes, at si Janet Napoles sa 15 counts ng graft kaugnay sa diumano'y maling paggamit ng kanyang priority development assistance fund (PDAF) noong senador pa siya.
Sa pagpanaw ni Enrile, naiwan ang isang makulay na legasya ng serbisyo at katatagan sa pulitika ng Pilipinas.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

