Vico Sotto, sinermunan ang ilang opisyal ng barangay sa Pasig: “Enough is enough!”

Vico Sotto, sinermunan ang ilang opisyal ng barangay sa Pasig: “Enough is enough!”

  • Mayor Vico Sotto nagbigay ng matinding pahayag laban sa mga barangay officials na di umano’y pabaya sa tungkulin
  • Sa kanyang State of the City Address, inamin ni Sotto na nakatuon sila sa city government at napabayaan ang barangay level
  • Hinikayat ng alkalde ang mga opisyal ng barangay na ayusin ang serbisyo sa kanilang nasasakupan
  • Binalaan din niya ang mga opisyal na huwag magyabang o umasa sa mga koneksyon sa Commission on Audit

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Diretsahan at walang paligoy-ligoy ang naging pananalita ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa kanyang State of the City Address (SOCA) noong Lunes, Oktubre 13, 2025, matapos niyang ipahayag ang kanyang pagkadismaya sa ilang opisyal ng barangay na umano’y hindi ginagampanan nang maayos ang kanilang tungkulin.

Vico Sotto, sinermunan ang ilang opisyal ng barangay sa Pasig: “Enough is enough!”
Vico Sotto, sinermunan ang ilang opisyal ng barangay sa Pasig: “Enough is enough!” (📷Vico Sotto/Facebook)
Source: Facebook

Enough is enough. We will stand up for what is right in the city of Pasig,” mariing pahayag ng alkalde, na agad umani ng palakpakan mula sa mga dumalo.

Read also

Vico Sotto, kinaaliwan sa kanyang biro tungkol sa “payong” habang nasa city truck

Ibinida ni Sotto na sa loob ng kanyang pamumuno, nakapagtatag na sila ng pundasyon para sa mas maayos at malinis na pamahalaan. “If there is anything we can be proud of as Pasigueños, it is that we have laid the foundations for better governance,” aniya. Gayunman, aminado rin siyang nagkulang sila sa pagtutok sa mga barangay.

But I will admit that in cleaning up our government, we have focused on our City Government... we have not paid much attention to our Barangay Governments,” paglilinaw ni Sotto.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kanyang talumpati, ipinaalala ng alkalde sa mga opisyal ng barangay na dapat nilang unahin ang pag-aayos ng kanilang sariling nasasakupan bago tumingin sa mas malalaking problema. “I hope we are all the same, our hearts are bleeding... Let’s fix what’s in our own backyard first. Let’s fix what’s under our jurisdiction first,” pahayag niya.

Hindi naman nagkulang si Sotto sa pagbibigay ng papuri sa mga barangay na maayos ang pamamahala, ngunit nilinaw niyang hindi lahat ay ganito. “I encourage our barangay officials, let’s get things right. I’ve seen many barangays that are well-organized... But let’s not fool ourselves. Many of our barangay officials already know what they are doing,” aniya.

Sa dulo ng kanyang talumpati, binigyang-diin ng alkalde na walang sinuman ang dapat magyabang sa kanya ng kanilang koneksyon sa Commission on Audit (COA). “Don’t brag to me that you are stronger than COA Commissioner [Mario] Lipana. We will do what is right for Pasig City,” mariing sabi ni Sotto.

Read also

Kris Aquino, nagbigay ng health update at ibinahagi ang pag-asang hatid ni Josh at Bimby

Dagdag pa niya, “You think I don’t know, what others are saying... 'the Commissioner answered me because his people, he’s the one who financed it.’ Or ‘his son financed the barangays and the SKs.’

Ang matapang na pahayag ng alkalde ay umani ng papuri mula sa mga netizen at taga-Pasig na sumusuporta sa kanyang kampanya para sa malinis na pamahalaan.

Si Vico Sotto ay anak nina Vic Sotto at Coney Reyes. Isa siya sa pinakabatang naging mayor ng Metro Manila, at kilala bilang isa sa mga pinakatapat at progresibong lider ng bansa. Mula nang maupo bilang alkalde ng Pasig City noong 2019, nakilala siya sa mga repormang naglalayong wakasan ang katiwalian at palakasin ang transparency sa lokal na pamahalaan.

Sa ilalim ng kanyang liderato, pinalakas ang mga programa para sa kalinisan, edukasyon, at serbisyong pangkalusugan. Kilala rin siya sa pagiging simple at approachable sa kabila ng pagiging anak ng dalawang sikat na personalidad sa showbiz.

Read also

Kris Aquino, ibinahagi ang emosyonal na mensahe ukol sa pamilya at karamdaman


Sa gitna ng kanyang mga gawain, nagbahagi si Mayor Vico Sotto ng biro tungkol sa paggamit niya ng payong habang sakay ng isang city truck. Ipinakita ng alkalde ang kanyang pagiging kalmado at masayahin sa kabila ng abalang schedule, bagay na ikinatuwa ng mga taga-Pasig at netizens. Pinuri rin siya ng mga mamamayan sa pagiging relatable at magaan kausap na lider.


Sa isa pang ulat, pinalawak ni Mayor Sotto ang kanyang kampanya laban sa katiwalian, ngayong kasama na rin ang mga barangay sa Pasig sa mas mahigpit na pagbabantay. Hinamon ng alkalde ang sinumang protektor ng mga tiwaling opisyal na harapin ang batas, at sinabing walang “sagrado” o exempted sa accountability. Patuloy umanong isusulong ni Sotto ang reporma para matiyak ang tapat na pamamahala sa lungsod.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: