Atty. Jesus Falcis, iginiit na lumabag si Sen. Escudero sa Rules of Court

Atty. Jesus Falcis, iginiit na lumabag si Sen. Escudero sa Rules of Court

  • Atty. Jesus Falcis bumuwelta kay Sen. Chiz Escudero at iginiit na ang senador ang lumabag sa Rules of Court
  • Aniya, maling ipinaalam sa publiko ni Escudero ang disbarment case na dapat ay kumpidensiyal
  • Muli ring binanggit ni Falcis ang P160 milyong kickback at P142 bilyong budget insertion na iniuugnay kay Escudero
  • Tinawag muli ng abogado ang senador na “shameless, bulok na keso, at worst Senate President in history”

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Mas lalo pang uminit ang banggaan sa pagitan ni Senador Francis “Chiz” Escudero at abogado na si Jesus Falcis matapos bumuwelta ang huli. Ayon kay Falcis, hindi siya kundi si Escudero ang dapat na ma-disbar dahil umano sa paglabag ng senador sa Rules of Court.

Atty. Jesus Falcis, iginiit na lumabag si Sen. Escudero sa Rules of Court
Atty. Jesus Falcis, iginiit na lumabag si Sen. Escudero sa Rules of Court (📷Jesus Falcis/Facebook)
Source: Facebook

Sinabi ni Falcis na nilabag ni Escudero ang Section 18, Rule 139-B ng Rules of Court. Ang probisyon na ito ay nagtatakda na ang disbarment proceedings ay dapat manatiling pribado at kumpidensiyal, at tanging ang pinal na desisyon ng Korte Suprema lamang ang maaaring ilathala.

Read also

“Senator Chiz Escudero should be the one disbarred… By disclosing and disseminating the fact of his filing of a disbarment complaint against me, Atty. Chiz Escudero himself has committed an act worthy of disbarment,” giit ni Falcis.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang kamakailan lamang ay nagsampa si Escudero ng disbarment complaint laban kay Falcis dahil sa mga social media posts nito na tinawag siyang “shameless,” “bulok na keso,” at “the worst Senate President in history.” Ngunit ayon kay Falcis, masakit lamang para kay Escudero ang mga salitang iyon dahil “they sting and ring true.” Dagdag niya, “I speak truth to power.”

Hindi natapos doon ang tirada ng abogado. Muli niyang binanggit ang mga paratang na iniuugnay kay Escudero, kabilang ang umano’y P160 milyong kickback na ayon sa dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo ay tinanggap ng senador. Bukod dito, muling ibinangon ang isyu ng P142 bilyong budget insertion sa 2025 national budget na umano’y isinulong ni Escudero.

Read also

“Instead of filing disbarment cases against lawyers like me who call him out, Senator Escudero should focus on explaining the 160 Million Pesos kickback that Bernardo accused him of pocketing and the 142 Billion Pesos of budget insertions he made in the 2025 Budget,” pahayag ni Falcis.

Sa huli, hindi pinalampas ni Falcis ang pagbansag niya kay Escudero, aniya: “I will repeat: Chiz Escudero is indeed shameless and the worst Senate President in history.”

Ang matinding palitan ng akusasyon ay nagdaragdag pa sa umiinit na political climate, lalo na’t parehong pinag-uusapan si Escudero at ang isyu ng flood control projects. Samantala, si Falcis ay kilalang matapang na abogado na madalas maglabas ng opinyon laban sa mga pulitiko sa social media, dahilan kung bakit mabilis ding kumakalat ang kanyang mga pahayag online.

Si Atty. Jesus Falcis III ay isang abogado at kilalang social media personality na palaging nagbibigay ng kritikal na opinyon tungkol sa gobyerno, mga opisyal, at isyu ng korapsyon. Sa kabilang banda, si Sen. Chiz Escudero ay isang beteranong politiko, dating Senate President, at kasalukuyang miyembro ng Senado. Ang kanilang alitan ay hindi lamang simpleng personal na banggaan kundi nagiging simbolo rin ng mas malawak na tensyon sa pagitan ng mga nasa kapangyarihan at ng kanilang mga kritiko.

Read also

Noong nakaraang taon, nag-trending si Atty. Jesus Falcis matapos niyang i-post ang umano’y ebidensya na hindi siya nabigyan ng kopya ng script nina Darryl Yap at TVJ. Ayon sa ulat ng KAMI.com.ph, ipinakita ng abogado ang “resibo” bilang patunay at muling nakakuha ng atensyon mula sa netizens na sanay na sa kanyang matapang na estilo ng pagbunyag.

Kamakailan naman, iniulat ng KAMI.com.ph na si Sen. Chiz Escudero mismo ang naghain ng disbarment case laban kay Falcis dahil sa umano’y “accusatory, defamatory, demeaning, speculative, and hateful” na posts laban sa kanya. Sa reklamo, iginiit ng senador na lumabag si Falcis sa Code of Professional Responsibility and Accountability at nakasira ito sa dangal ng legal profession.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate