Harry Roque, ibinunyag umano'y huling habilin ni dating Pangulong Duterte
- Ayon kay dating Presidential Spokesperson Harry Roque, huling habilin umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na mamatay sa kanyang sariling tahanan sa Davao City
- Sinabi ni Roque na tanggap na umano ni Duterte ang kanyang kapalaran at nais niyang magtapos sa kuwarto ng kanyang bahay kalapati sa Davao
- Idinagdag din ni Roque na maging si Elizabeth Zimmerman, dating asawa ni Duterte, ay nagsabing may acceptance na ang dating Pangulo sa kanyang sitwasyon
- Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) si Duterte matapos maaresto noong Marso 2025 at kahaharapin ang tatlong counts of murder
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nagbigay ng matinding pahayag si dating Presidential Spokesperson Harry Roque hinggil sa dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng kanyang Facebook live nitong Miyerkules, Setyembre 24, 2025. Ayon kay Roque, tila malinaw na umano ang huling habilin ng dating Pangulo—ang makabalik sa kanyang tahanan sa Davao City bago siya pumanaw.

Source: Facebook
“Ang gusto ni Tatay Digong maski five minutes bago siya pumunta sa Panginoon, eh makabalik doon sa kaniyang kuwarto sa bahay kalapati sa Davao at doon mamatay!” ani Roque.
Dagdag pa ni Roque, malinaw ang kagustuhan ng dating Pangulo na sa sariling bayan niya gustong magtapos, lalo na’t siya ay nasa edad na 80 na. “’Yon lang ang gusto n’ya, mamatay sa sarili niyang bayan, dahil siya’s 80 naman. ‘Wag na tayong magpaligoy-ligoy dito, naghuling habilin na si Tatay Digong. Handa na siya,” wika pa nito.
Ayon pa kay Roque, maging si Elizabeth Zimmerman—ang dating asawa ni Duterte—ay nagsabi na tinanggap na ng dating Pangulo ang kanyang kapalaran. “At kahapon nga, sabi ni Ma’am Elizabeth, mayroon na siyang acceptance ang kapalaran n’ya,” dagdag pa ni Roque.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa kasalukuyan, nananatiling nasa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) si Duterte matapos itong maaresto noong Marso 2025 dahil sa kasong crimes against humanity. Noong Setyembre 22, naglabas ng desisyon ang ICC kung saan inihain ang tatlong counts of murder laban sa dating Pangulo.
Batay sa inilabas na dokumento, si Duterte ay “individually criminally responsible” alinsunod sa Article 25(3)(a) ng Rome Statute bilang indirect co-perpetrator ng mga kasong isinampa laban sa kanya.
Si Rodrigo Duterte ang ika-16 na Pangulo ng Pilipinas at nanilbihan mula 2016 hanggang 2022. Kilala siya bilang “Tatay Digong” at matunog ang kanyang administrasyon sa kampanya kontra ilegal na droga na kalaunan ay naging sentro ng mga reklamo sa International Criminal Court. Sa edad na 80, kasalukuyan siyang humaharap sa mga kasong may kaugnayan sa libu-libong napatay sa war on drvgs.
Noong nakaraang linggo, umingay ang pangalan ni Harry Roque matapos niyang makasagutan ang ilang Duterte supporters sa Netherlands. Ang isyu ay nagsimula sa isang simpleng pagkain ng humba, ngunit nauwi ito sa mainit na palitan ng salita tungkol kay dating Pangulong Duterte at sa mga kaso nito. Ang eksenang ito ay muling nagpakita ng pagkakawatak-watak ng ilang tagasuporta ni Duterte.
Isa namang tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagsalita para linawin ang kumalat na isyu hinggil sa umano’y alitan nila ni Atty. Harry Roque. Ayon sa kanya, hindi umano ito simpleng personal na away kundi nag-ugat sa mas seryosong diskusyon tungkol sa politika at sa estado ni Duterte sa ICC. Pinatotohanan nito na marami pa ring nagmamahal at nagtatanggol kay Duterte kahit sa kabila ng mga kasong kinahaharap.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh