Sen. Ping Lacson, kinumpirma ang pagbisita ng WJ Construction official sa Senado
- Ping Lacson ibinunyag na nakunan ng CCTV ang pagpasok ng opisyal mula WJ Construction sa Senado
- Ang bisita, tinukoy bilang “Mina,” ay dumating noong araw na nagsimula ang flood control probe
- Ayon kay Lacson, may impormasyon na pumasok ito sa opisina ng isang senador
- Inatasan na ng blue ribbon committee na ipatawag ang CCTV operator sa susunod na pagdinig
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Bumungad ang bagong twist sa imbestigasyon ng Senado hinggil sa umano’y anomalya sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH), matapos ibunyag ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na nakunan ng CCTV ang isang kontrobersyal na pagbisita.

Source: Facebook
Sa forum na “Kapihan sa Senado” nitong Huwebes, sinabi ni Lacson na isang opisyal ng WJ Construction na tinukoy lamang bilang “Mina” ang nakitang pumasok sa gusali ng Senado noong Agosto 19. Nang araw ding iyon ay nagsimula ang imbestigasyon ng upper chamber, na noon ay pinamunuan ni Sen. Rodante Marcoleta.
“As we speak meron kaming video footage… na dumalaw talaga dito yung… Mina,” pahayag ni Lacson. Dagdag pa niya, “Although may idea kami kung saan siya nagpunta rito at kaninong opisina ang dinalaw niya, ipapatawag namin para malaman natin kung kanino siya nagpunta.”
Ayon sa senador, agad niyang inatasan ang mga tauhan ng Senado na i-secure ang CCTV footage dahil limitado lamang ang isang buwang lifespan nito. “Pina-secure ko na ang footage. It’s a good thing that we have them last August 19 dahil ’yung life span ng ating CCTV footage ay isang buwan. Kung inabot ng September 20 ngayon, burado na ’yun,” paliwanag niya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Bagamat nakakuha na siya ng impormasyon kung saan opisina nagtungo ang naturang bisita, tumanggi munang pangalanan ni Lacson ang nasabing senador hanggang hindi pa kumpirmado. Inihayag din niya na ipapatawag ang CCTV operator ng Senado upang magpatotoo sa susunod na pagdinig sa Setyembre 18.
Ang rebelasyong ito ay kasunod ng naging testimonya ni Brice Ericson Hernandez, isang suspendidong district engineer ng DPWH sa Bulacan. Sa pagdinig ng House infrastructure committee, sinabi ni Hernandez na ang WJ Construction ang nagsilbing “conduit” para sa umano’y 30-porsyentong komisyon ni Sen. Jinggoy Estrada mula sa P355 milyong halaga ng flood control projects.

Read also
Mariel Pamintuan, trending sa parody song laban sa “ghost projects”: “Pilipino, mag-ingay!”
Bukod dito, binanggit ni Hernandez ang isang Beng Ramos na nagpakilalang bahagi umano ng staff ni Estrada at siyang nangongolekta ng umano’y komisyon. Mariin namang itinanggi ni Estrada ang paratang, at iginiit na simula nang siya ay unang mahalal bilang senador noong 2004 ay hindi kailanman naging bahagi ng kanyang opisina si Ramos.
Matagal nang kilala si Sen. Ping Lacson bilang matatag na boses laban sa korapsyon sa gobyerno. Bago pumasok sa politika, naging hepe siya ng Philippine National Police at nakilala sa kanyang kampanya laban sa kriminalidad. Sa Senado, nakapaglatag siya ng mga batas na nakatuon sa peace and order, transparency, at good governance. Kamakailan, muling napabilang ang kanyang pangalan sa mga balita matapos ang isang leadership coup na nagluklok kay Sen. Vicente Sotto III bilang Senate President, dahilan para siya ang umako sa pamumuno ng blue ribbon committee.
Sa isang ulat ng KAMI, ibinunyag ni Sen. Ping Lacson na may mga scammer na ginagamit ang kanyang pangalan para manghingi ng tulong pinansyal sa gitna ng pananalasa ng bagyo. Ayon sa senador, kinokontak ng mga manloloko ang mga donor at nag-aalok ng pekeng bank account para sa umano’y relief operations. Binalaan niya ang publiko na mag-ingat at huwag basta magpadala ng tulong sa hindi beripikadong mga account.
Samantala, isa pang balita mula sa KAMI ang nag-ulat na nagbigay ng buong suporta si Iwa Moto kay Sen. Ping Lacson. Sa isang social media post, sinabi ng aktres na inspirasyon niya si Lacson dahil sa kanyang dedikasyon sa paglilingkod sa bayan at sa paninindigang labanan ang katiwalian. Ayon kay Iwa, mahalaga para sa kanya na maipakita ang suporta sa mga lider na aniya’y tunay na gumagawa ng tama.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh