DPWH engineer, nagbunyag ng umano’y pagkakasangkot nina Estrada at Villanueva
- Assistant Engineer Brice Hernandez ng Bulacan First District naglabas ng pangalan ng ilang senador at opisyal sa umano’y flood control anomaly
- Sa House inquiry, pinangalanan niya sina Senators Jinggoy Estrada at Joel Villanueva, pati Usec. Robert Bernardo at DE Alcantara
- Iginiit ni Hernandez na hindi totoo na ligtas na sila gaya ng sinasabi ni Rep. Marcoleta
- Ang alegasyon ay bahagi ng mas malawak na imbestigasyon sa ghost flood control projects
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Mainit na usapin ngayon sa Kamara ang ghost flood control projects matapos ang pasabog ni Bulacan First District Assistant Engineer Brice Hernandez. Sa House inquiry nitong Martes, diretsahan niyang tinukoy sina Senators Jinggoy Estrada at Joel Villanueva bilang kasama umano sa mga anomalya.

Source: Facebook
“Tama po si Senator Lacson na ang mga engineers ng DPWH ay tila naging legman o bagman na lang. Kung tatanungin nyo po ako kung sino o kanino kami naging bagman…sabi ni Senator Marcoleta kahapon, ‘Ligtas ka na.’ Hindi po ito totoo,” ani Hernandez sa kanyang pahayag.

Read also
Curlee Discaya, kinanta ang mga politiko at DPWH officials na sangkot umano sa flood control issue
Dagdag pa niya, “Si Senator Jinggoy Estrada, Senator Joel Villanueva, [DPWH] Usec. Robert Bernardo at DE Alcantara.”
Mabigat ang paratang dahil direktang idinadawit ang dalawang senador na aktibo sa kasalukuyang Kongreso, gayundin ang mga matataas na opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Ang mga binanggit na pangalan ay kaakibat ng lumalalang isyu hinggil sa ghost flood control projects na ngayon ay binubusisi ng mga mambabatas.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ang ghost flood control projects scandal ay nagsimula nang lumutang ang alegasyon na mayroong pondo para sa mga proyekto laban sa baha, ngunit hindi umano ito natuloy o natapos. May mga dokumento at proyektong tila nag-exist lamang sa papel, ngunit wala namang aktuwal na infrastructure sa mga lugar na tinukoy.
Dahil dito, ilang DPWH officials at lawmakers ang iniimbestigahan. Lumitaw din ang isyu ng mga “bagman” o tagadala ng pondo, kung saan ilang engineers umano ang naging daan para mailipat ang pera sa mga nakaupo sa posisyon.
Ang pasabog ni Hernandez ay dagdag init sa imbestigasyon na dati’y tumutok lamang sa mga local contractors at ilang district engineers. Ngayon, umakyat na ang pangalan hanggang sa antas ng Senado.
Habang wala pang pormal na sagot mula sa mga binanggit na senador, inaasahan na mas hihigpit ang scrutiny sa mga dokumento at testimonya sa mga susunod na pagdinig. Ang puntirya: malaman kung sino ang tunay na responsable at kung paano nailusot ang mga pondong milyun-milyon ang halaga.
Kaugnay nito, kamakailan ay iniulat ng Kami.com.ph na ilang lawmakers mismo ang mariing itinanggi ang kanilang pagkakasangkot sa flood control mess. Sa ulat na pinamagatang “Lawmakers denied alleged involvement in flood control projects mess following Discaya’s statement” (Kami, Sept. 6, 2025), ilang kinatawan ay nagsabing walang basehan ang mga akusasyon at malinaw na paninira lamang ang nangyayari. Basahin dito
Samantala, nagsalita din si Pasig City Mayor Vico Sotto sa parehong isyu. Sa ulat na “Pasig City Mayor Vico Sotto umalma sa kasinungalingan umano ng mga Discaya: ‘Wag tayong magpauto’” (Kami, Sept. 6, 2025), tinawag niyang kasinungalingan ang lumabas na impormasyon laban sa kanya at nanawagan sa publiko na maging mapanuri at hindi basta nagpapadala sa maling balita.
Ang dalawang balitang ito ay nagpapakita kung paano patuloy na lumalawak ang saklaw ng imbestigasyon, hindi lang sa mga opisyal ng DPWH kundi maging sa mga kilalang personalidad at mambabatas. Sa puntong ito, malinaw na magiging isa itong pinakamatinding political scandal na susubok sa kredibilidad ng mga institusyon sa bansa.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh