PNP Chief Torre tinapos na ang usapin sa posibleng boxing rematch kay Baste Duterte

PNP Chief Torre tinapos na ang usapin sa posibleng boxing rematch kay Baste Duterte

  • Hindi na matutuloy ang inaabangang boxing match sa pagitan ni PNP Chief Nicolas Torre III at acting Davao City Mayor Baste Duterte matapos hindi dumalo si Duterte sa itinakdang laban
  • Sa panayam, sinabi ni Torre na hindi na niya kailangang patulan pa si Duterte at mas importante umano ang kanyang trabaho kaysa sa usaping ito
  • Matatandaang si Duterte ang unang naghamon kay Torre sa isang “walang gloves” na suntukan, ngunit itinakda ni Torre ang laban sa Hulyo 27 na hindi sinipot ng alkalde
  • Lumabas din ang ulat na nakalipad na si Duterte papuntang Singapore sa mismong araw ng dapat sana’y kanilang paghaharap sa ring

Mukhang hindi na tuluyang mangyayari ang inaabangang suntukan sa pagitan ni Philippine National Police (PNP) Chief Nicolas Torre III at Davao City acting mayor Baste Duterte.

PNP Chief Torre tinapos na ang usapin sa posibleng boxing rematch kay Baste Duterte
PNP Chief Torre tinapos na ang usapin sa posibleng boxing rematch kay Baste Duterte (📷Nicolas Torre III/Facebook)
Source: Facebook

Sa halip na suntukan, tila silent KO ang naging resulta matapos hindi dumalo si Duterte sa nakatakdang boxing match nila sana nitong Linggo, Hulyo 27. Sa naging panayam kay Torre matapos ang “no-show” ng alkalde, inilahad ng PNP chief ang kanyang pagkadismaya at desisyong hindi na ituloy ang anumang plano ukol sa rematch.

Read also

Heart Evangelista, hindi sang-ayon sa netizen na nagkukumpara sa kanya kay Marian

“We exerted a lot of effort in this event. I don’t think he is worth responding to at this point,” saad ni Torre sa media, na idinagdag pang mas maraming dapat pagtuunan ng pansin kaysa sa ganitong klaseng usapin. Ipinunto rin niya na masyado na itong nawalan ng saysay, lalo pa’t si Duterte mismo ang hindi sumipot sa itinakdang araw ng laban. “Let him be in his own world,” dagdag pa ni Torre, na malinaw ang intensyong huwag nang bigyan ng puwang ang isyu.

Ang boxing match ay nagsimula lang bilang isang patutsadahan sa publiko, nang si Duterte ay maghamon ng suntukan kay Torre—pero walang camera at walang gloves. “Gusto mo puntahan kita, walang camera suntukan tayo, walang gloves,” ani Duterte noon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Tinawag pa nito si Torre na “masyado ma-showbiz.” Sa kabila ng pagtanggap ni Torre sa hamon at pagbibigay ng petsa, wala si Duterte sa naturang araw. Ayon sa ulat, lumipad umano ang Davao City official papuntang Singapore kamakailan, kasabay ng iskedyul ng dapat sana’y laban.

Read also

Baste Duterte, pinakita ang DILG-approved travel clearance kasabay ng boxing match

Si Nicolas Torre III ay ang kasalukuyang hepe ng Philippine National Police. Matagal na sa serbisyo, si Torre ay kilala sa kanyang matitigas na pahayag at public presence, lalo na sa mga isyung kinasasangkutan ng disiplina sa hanay ng pulisya. Kamakailan lamang ay napabalita rin siya dahil sa kanyang paglahok sa isang charity boxing match na naging usap-usapan.

Si Sebastian “Baste” Duterte ay anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at kasalukuyang acting mayor ng Davao City. Bagama’t hindi kasing aktibo sa politika gaya ng kanyang ama’t kapatid, kilala si Baste sa kanyang pasaring at tuwirang estilo sa pagsagot sa mga isyu. Nakilala rin siya sa social media dahil sa kanyang “no filter” na mga pahayag.

Kaugnay ng isyu, isang ulat mula sa Kami.com.ph ang naglahad ng pagtanggi ni PNP Chief Torre sa akusasyong pinilit umano ang mga pulis na manood ng isang charity boxing match. Giit niya, walang sapilitan at lahat ng nakiisa ay boluntaryo. Nilinaw din niya na layunin ng event na iyon ay para sa fundraising at hindi pansariling interes.

Read also

Baste Duterte, umalis papuntang Singapore ayon sa NBI

Samantala, para naman kay Baste Duterte, inilabas nito sa social media ang isang DILG-approved travel clearance upang patunayang lehitimo ang pag-alis niya ng bansa. Ayon sa parehong artikulo ng KAMI, kasabay ng dapat sana’y boxing match ang kanyang biyahe pa-Singapore, na sinabing naaprubahan ng DILG bilang bahagi ng kanyang official leave.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate