Elizabeth Zimmerman, binisita si FPRRD: “So thin, skin and bones”

Elizabeth Zimmerman, binisita si FPRRD: “So thin, skin and bones”

  • Binisita ni Elizabeth Zimmerman si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague
  • Inilarawan niya ang kalagayan ng dating asawa bilang payat na payat at mabagal maglakad
  • Ayon kay Zimmerman, nananatiling updated si Duterte sa kalagayang politikal sa Davao
  • Nagpahayag siya ng pananalig sa dating pangulo sa kabila ng kanyang kasalukuyang kaso

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Sa isang panayam, isinalarawan ni Elizabeth Zimmerman, dating maybahay ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ang lagay ng kalusugan nito habang nakapiit sa The Hague. Higit 100 araw na mula nang maaresto si Duterte at sa kanyang kasalukuyang pagkakakulong, kapansin-pansin na ang kanyang labis na pagpayat, ani Zimmerman.

Elizabeth Zimmerman, binisita si FPRRD: “So thin, skin and bones”
Elizabeth Zimmerman, binisita si FPRRD: “So thin, skin and bones” (📷Rody Duterte/Facebook)
Source: Facebook

Sa isang video na inilabas sa Facebook page na Alvin and Tourism, ikinuwento ni Zimmerman ang kanilang muling pagkikita matapos siyang tumuloy sa The Hague upang palitan si Davao City Rep. Paolo Duterte sa pagbisita. Ayon sa kanya, halos hindi na umiinom ng gamot si Duterte at tila wala nang masyadong aktibidad sa araw-araw.

Ipinahayag din ni Zimmerman na madalas lamang matulog at manood ng TV si Duterte sa kulungan. Mabagal na raw itong maglakad, bagay na hindi na niya ikinagulat dahil sa edad nito. Sa kabila ng lahat, sinabi niya na “healthy” pa rin ito sa pangkalahatan, pero halata ang matinding pagbabago sa dating pangulo.

Sa pananatili ni Zimmerman doon, nabanggit niya na patuloy pa ring interesado si Duterte sa mga nangyayari sa Pilipinas, lalo na sa politika sa Davao. Tinatanong daw nito kung maayos si Sebastian “Baste” Duterte, na kasalukuyang itinalagang acting mayor ng Davao City, pati na ang mga apo nilang sina Rodrigo “Rigo” Duterte II at Omar Vincent Duterte, na ngayon ay vice mayor at congressman ng lungsod.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Interesado rin daw ang dating pangulo kung nanalo ang kanilang partidong Hugpong ng Pagbabago. Nang kumpirmahin ito ni Zimmerman, nagpasalamat umano si Duterte sa patuloy na suporta sa kanya. Gayunpaman, pinayuhan siya nitong umuwi na sa Pilipinas dahil sa gastos ng biyahe, ngunit tiniyak ni Zimmerman na mananatili siya hangga’t kinakailangan ang kanyang presensya roon.

Nagbigay rin si Zimmerman ng patotoo sa korte, ayon sa kanya, na naniniwala pa rin siya sa kakayahan ni Duterte bilang pinuno. Aniya, “He is a good leader but there is something wrong, he has a flaw.” Habang hinihintay pa ang paglilitis sa mga kasong crimes against humanity na may kaugnayan sa kanyang kontrobersyal na kampanya kontra droga, patuloy na humihingi ng pansamantalang kalayaan ang kampo ni Duterte, bagay na tinututulan ng ICC prosecutor.

Si Elizabeth Zimmerman ay dating maybahay ni Rodrigo Duterte at ina ng tatlong anak nila kabilang sina Paolo, Sara, at Baste Duterte. Bagama’t matagal nang hiwalay, nanatili siyang bahagi ng buhay pampamilya ng mga Duterte, lalo na sa mga sensitibong panahon tulad ngayon.

Si Rodrigo Duterte, dating alkalde ng Davao City at ika-16 na pangulo ng Pilipinas, ay kasalukuyang nakakulong sa The Hague kaugnay ng mga kaso laban sa kanya sa International Criminal Court. Kilala siya sa matapang at kontrobersyal na istilo ng pamumuno, partikular sa kanyang drug war.

Usap-usapan online ang biglaang pagtanggal ng “For Sale” sign sa bahay ni dating Pangulong Duterte sa Davao City. Ikinagulat ito ng mga netizens, lalo na't naging sentro ng diskusyon ang umano’y planong pagbebenta ng kanilang tahanan. Marami ang nagtatanong kung magbabago ba ang plano ng pamilya ukol dito.

Ayon kay Rep. Paolo Duterte, tutol ang kanyang ama sa pagbebenta ng kanilang ancestral house sa Davao. Binanggit niya na may sentimental value ang bahay sa dating pangulo kaya ito labis na nahirapan sa desisyon. Ipinagpapalagay na ito ang dahilan kung bakit tinanggal ang sale signage sa property.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate