Pulong Duterte, ibinahagi ang aniya'y mensahe ng ama sa mga girlfriend nito habang nasa The Hague
- Binisita ni Cong. Paolo Duterte ang kanyang ama sa ICC detention facility at ibinahagi ang mensahe nito sa mga babae sa Davao
- Ayon kay Pulong, sinabi ni dating Pangulong Duterte na dapat na raw humanap ng bagong nobyo ang kanyang mga girlfriend, lalo na yung may maraming credit card
- Kinumpirma ni Paolo na alam niyang may 13 girlfriend ang ama sa Davao City na hindi raw nito mapapansin sa kasalukuyang sitwasyon
- Nauugnay din ito sa isyung isang babae umano ang nagkunwaring girlfriend ni Duterte para makabisita sa ICC, bagay na kinondena ni Kitty Duterte
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Naging laman ng balita at social media ang naging pahayag ni Davao Congressman Paolo “Pulong” Duterte tungkol sa kanyang ama, si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, na kasalukuyang nakakulong sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands. Sa isang panayam kamakailan, isinalarawan ni Pulong ang kondisyon ng kanilang ama at nagbahagi pa ng isang ‘mensaheng pabiro’ para sa mga babae nito sa Davao City.

Source: Facebook
Ayon sa kwento ng kongresista, nakausap niya ang kanyang ama sa loob ng ICC detention facility at naibahagi raw nito ang isang direktang mensahe para sa kanyang mga kasintahan.
“Ano nga raw, sa kanyang mga common-law wives, iyung kay Ma’am Jas, sabi niya, wala naman sila relasyon ni Ma’am Jas kasi hindi naman daw sila magpinsan, hindi magkapatid so wala silang relasyon. Sa lahat ng kanyang girlfriend, iyung sa mga kilala kong 13 girldfriends sa Davao, maghanap nalang kayo ng iba, iyung maraming credit card. Iyun iyung sinabi niya. ,” ani Cong. Pulong.
Bagama’t tila pabiro, ang pahayag ay agad na umani ng reaksiyon mula sa netizens. Marami ang naaliw, ngunit marami ring nagtaka sa kumpirmasyon ni Paolo Duterte na may 13 babae raw si dating Pangulong Duterte sa Davao. Sa kasalukuyang pagkakapiit ng dating pangulo, tila hindi na nito kayang bigyang-pansin ang mga babae sa kanyang buhay kaya’t minabuti niyang sabihan na lang ang mga ito na humanap na ng bagong katuwang sa buhay—pero ‘yung may kakayahang mag-swipe ng credit card.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Bukod sa rebelasyong ito, nauna nang naging isyu ang pagkakakilanlan ng isang babaeng nagtangkang bumisita kay dating Pangulong Duterte sa kulungan. Sa isang social media post, kinuwestiyon ni Veronica “Kitty” Duterte, bunsong anak ng dating pangulo, ang isang babaeng nagpapanggap umanong girlfriend ng kanyang ama upang makapasok sa detention center sa The Hague. Hindi na nito pinangalanan ang babae, ngunit malinaw ang kanyang paninindigan na hindi dapat ginagamit ang pangalan ng kanyang ama sa pansariling interes.
Si Rodrigo Roa Duterte ay nagsilbing ika-16 na Pangulo ng Pilipinas mula 2016 hanggang 2022. Kilala siya sa kanyang kontrobersyal na war on drvgs, matapang na pananalita, at mga hindi pangkaraniwang biro at pahayag. Kasalukuyan siyang nakakulong sa The Hague, Netherlands, habang nahaharap sa kasong crimes against humanity na inihain sa kanya ng International Criminal Court.
Ang kanyang anak na si Paolo Duterte ay kasalukuyang kinatawan ng unang distrito ng Davao City. Madalas siyang nagsasalita sa ngalan ng kanyang ama, lalo na sa mga isyung may kinalaman sa personal nitong buhay habang nasa kulungan.
Muling naging usap-usapan ang dating bahay ni Pangulong Duterte sa Davao City matapos mapansin ng netizens na tinanggal na ang nakalagay na "For Sale" sign. Hindi pa malinaw kung ito ay senyales ng pagbawi sa balak na ibenta ang bahay, ngunit maraming tagasuporta ang natuwang baka hindi na ito ituloy.
Ayon sa panayam kay Congressman Paolo Duterte, hindi sang-ayon ang kanilang ama na ibenta ang kanilang bahay sa Davao City. Giit ni Pulong, may sentimental value ang nasabing bahay para sa kanilang pamilya, kaya ito ay isang desisyong mahirap gawin.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh