Ex-congressman Arnie Teves, biglang isinugod sa ospital—abdominal pain, umatake

Ex-congressman Arnie Teves, biglang isinugod sa ospital—abdominal pain, umatake

  • Kinumpirma ng abogado ni dating Negros Oriental Congressman Arnie Teves na siya ay isinugod sa ospital matapos makaranas ng matinding pananakit ng tiyan simula pa hatinggabi
  • Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, dakong alas singko ng madaling araw nang bigyan ng agarang medikal na atensyon si Teves at agad na dinala sa ospital para sa kaukulang gamutan
  • Hindi isinapubliko ng mga awtoridad ang pangalan ng ospital kung saan siya dinala bilang bahagi ng kanilang pagtiyak sa seguridad ng dating kongresista
  • Matapos ang higit isang taong pamamalagi sa Timor-Leste at ang kanyang pagbabalik sa bansa, si Teves ay kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad habang hinaharap ang mga kasong may kaugnayan sa pagkamatay ni Gov. Roel Degamo

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Hindi pa man tuluyang nagsisimula ang matagal na inaabangang legal battle ni dating Negros Oriental Congressman Arnolfo "Arnie" Teves Jr., isang panibagong aberya na agad ang kanyang kinaharap habang nasa kustodiya—isang matinding pananakit ng tiyan ang nagpagupo sa kanya.

Ex-congressman Arnie Teves, biglang isinugod sa ospital—abdominal pain, umatake
Ex-congressman Arnie Teves, biglang isinugod sa ospital—abdominal pain, umatake ('📷Screengrab from ABS-CBN News)
Source: Original

Kinumpirma mismo ng kanyang legal counsel na si Atty. Ferdinand Topacio na dumanas ng matinding abdominal pain si Teves simula pa hatinggabi. Isinagawa ang agarang medikal na atensyon alas singko ng madaling araw at agad siyang dinala sa ospital. Hindi ibinunyag ng mga awtoridad ang eksaktong lokasyon ng pagamutan para sa kanyang seguridad.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang dating kongresista ay kasalukuyang nahaharap sa ilang mabibigat na kaso, kabilang ang pagkakadawit niya bilang umano’y utak sa pamamaslang kay dating Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Matapos ang higit isang taon ng pananatili sa ibang bansa, noong Mayo 28 ay inaresto si Teves sa Dili, Timor-Leste. Ayon sa pamahalaan ng nasabing bansa, lumampas na sa bisa ang visa ni Teves at wala na rin siyang kaukulang dokumentong nagpapahintulot sa kanyang pananatili doon.

Ani Teves, alam niyang darating din ang panahon na kinakailangan niyang harapin ang kaso.

“At least, ma ano na rin, matapos na rin. Dahil kahit no’ng nandun ako, inisip ko, kung hindi man ako umuwi kailangan pa rin nitong matapos, eh,” aniya.

Si Arnolfo “Arnie” Teves Jr. ay dating kinatawan ng 3rd District ng Negros Oriental. Siya ay naging laman ng mga balita simula noong iturong utak sa pagpaslang kay dating Governor Roel Degamo, isang krimen na yumanig sa pulitika ng rehiyon. Matagal siyang namalagi sa Timor-Leste upang umiwas sa pag-aresto, subalit kamakailan lamang ay pinabalik na siya sa bansa sa pamamagitan ng tulong ng mga awtoridad doon. Sa kanyang pagbabalik, naharap siya sa media at nagpakita ng pagnanais na harapin ang mga kaso.

Matapos ang pagkaka-aresto sa Timor-Leste dahil sa expired visa, agad na ibinalik si Arnie Teves sa Pilipinas sakay ng eroplano ng Philippine Air Force. Hindi na pinayagang hindi posasan sa kanyang pagbabalik sa bansa dahil sa Standard Operating Procedure (SOP). Dumating siya sa bansa kasama ang ilang kinatawan ng pamahalaan at agad na isinailalim sa kustodiya.

Isang makabagbag-damdaming tagpo ang naganap sa pagbabalik ni Arnie Teves nang muli niyang makita ang kanyang ina matapos ang dalawang taon. Kasama ng kanyang abogado, humarap siya sa media upang humiling ng mabilisang pag-aksyon sa mga kasong isinasampa laban sa kanya. Sa kabila ng pagkakapiit, iginiit niyang handa siyang harapin ang proseso ng batas.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate