Discaya sa smear video vs Vico Sotto: "We want the truth to come out"
- Ipinagkaila ni Sarah Discaya ang direktang kaugnayan sa smear video laban kay Mayor Vico Sotto
- Isang babae na may kapansanan ang kinunan ng panayam sa compound ng kumpanyang pagmamay-ari ng pamilya Discaya
- Sinabi ng kampo ni Discaya na bukas sa mga bisita ang kanilang tahanan at headquarters nitong mga nakaraang buwan
- Tiniyak ng Team Kaya This ang kanilang kahandaang makipagtulungan sa mga imbestigasyon ng DSWD at awtoridad
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Tumangging kumpirmahin o itanggi ng mayoral candidate na si Sarah Discaya kung sa compound ng kanilang kumpanya kinuhanan ang isang smear video laban kay incumbent Mayor Vico Sotto.

Source: Facebook
Sa isang pahayag ng kanyang partido na Team Kaya This nitong Biyernes, Abril 11, sinabi nilang wala silang kontrol sa lahat ng nilalaman o usapan na nililikha ng mga bumibisita sa kanila.
“We do not have control over every conversation or piece of content produced by those who visit or claim affiliation with us,”
Ayon kay Discaya, bukas umano sa mga bisita — kabilang na ang mga vlogger at tagasuporta — ang kanilang tahanan at headquarters sa nakalipas na anim na buwan.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Mariin din nilang itinanggi ang anumang pagkakaugnay sa nasabing video, na nagpapakita ng isang taong may kapansanan na nagsasalita laban kay Mayor Sotto.
“We do not condone” using anyone, more so members of vulnerable or marginalized groups, for political smear campaigns,
“We want the truth to come out, and we support any process that ensures accountability,”
“We are ready to provide any information or assistance necessary to help clarify the situation.”
Batay sa paunang imbestigasyon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), kinunan ang naturang video sa loob ng compound ng St. Gerrard Construction — isang kumpanyang pagmamay-ari ng pamilya Discaya.
Ang compound din na ito ang ginamit sa ilang kampanya ng kanilang partido, kabilang ang campaign kickoff para sa lokal na halalan.

Read also
Shamcey Supsup, nag-resign sa kanyang political party matapos ang isyu ng kasamahang miyembro
Ipinakita sa video, na una nang nai-post sa ngayo’y wala nang Facebook page na The Journal Pasig noong Abril 4, ang isang 57-anyos na babae na may mental disability. Inilahad niya sa panayam na hindi siya nakakatanggap ng buwanang pensyon bilang PWD o anumang tulong mula sa lokal na pamahalaan.
Nang tanungin kung sino ang iboboto niya sa 2025 midterm elections, sinabi niyang hindi na niya susuportahan si Sotto at si Discaya na umano ang kanyang iboboto.
Subalit sa isang hiwalay na panayam nitong linggo, ibinunyag ng babae at ng kanyang pamilya na may nagsabi umano sa kanya kung ano ang dapat sabihin. Ayon sa kanya, habang siya’y nakapila para sa rice stub, tinawag siya para sa panayam kahit wala siyang ideya kung ano ang sasabihin.
Sinabi pa niya na nang umalma siya, sinabi raw ng interviewer na “gagabayan” naman siya.
Kaugnay nito, sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian nitong Huwebes, Abril 10, na lumalabas sa kanilang pagsisiyasat ang isang “systematic storyline” kung saan ginagamit ang mga miyembro ng maralitang sektor upang siraan si Sotto.
Idinagdag pa ni Gatchalian na maging ang mga senior citizen ay hinikayat din umano upang magsalita laban sa alkalde.
Nagtutulungan na ngayon ang DSWD at ang mga ahensiyang nagpapatupad ng batas upang kilalanin ang nasa likod ng video at upang maisulong ang legal na hakbang para sa pananagutan.
Samantala, matatandaang tumakbo si Discaya laban kay Sotto matapos nitong ilantad ang umano'y mga anomalya sa kontrata ng St. Gerrard Construction at paggamit umano ng substandard na materyales.
Si Mayor Vico Sotto ay muling tumatakbo para sa kanyang ikatlo at huling termino bilang alkalde ng Pasig.
Si Vico Sotto ay isang kilalang politiko at kasalukuyang alkalde ng Pasig City. Bilang anak nina Vic Sotto at Coney Reyes. Noong 2019, nahalal siyang alkalde ng Pasig at muling nahalal noong 2022. Kilalang-kilala siya sa kanyang mga reporma sa gobyerno at mga inisyatibang nakatuon sa pagpapabuti ng serbisyong pampubliko
Noong Marso 27, 2025, hindi dumalo ang kalaban ni Mayor Vico Sotto sa isang Peace Covenant signing sa Sta. Clara de Montefalco Parish. Bilang tugon, nag-abot ng kamay si Sotto sa hangin bilang simbolo ng pagkakasunduan.
Sa isang pampulitikang pagtitipon, ipinakilala ni Vic Sotto ang kanyang anak na si Mayor Vico Sotto bilang "ang susunod na presidente ng Pilipinas," na ikinatuwa ng mga dumalo at naging usap-usapan sa social media.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh