COMELEC, pinasisilip si Jay Ilagan sa umano’y “laos” na patutsada kay Vilma Santos-Recto

COMELEC, pinasisilip si Jay Ilagan sa umano’y “laos” na patutsada kay Vilma Santos-Recto

- Inatasan ng Comelec si Jay Ilagan na magpaliwanag sa kanyang pahayag laban kay Vilma Santos-Recto

- Tinawag umano ni Ilagan na “laos” si Santos sa isang campaign activity noong Marso 29

- Ayon sa Comelec, maaaring lumabag si Ilagan sa patakaran laban sa diskriminasyon at gender-based harassment

- Binigyan siya ng tatlong araw upang magsumite ng paliwanag kung bakit hindi siya dapat kasuhan o madiskwalipika

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Inatasan ng Commission on Elections (Comelec) nitong Lunes si Batangas gubernatorial candidate Jay Ilagan na magpaliwanag kaugnay ng kanyang umano’y diskriminatoryong pahayag laban sa kanyang katunggali na si dating Batangas governor at aktres na si Vilma Santos-Recto.

COMELEC, pinasisilip si Jay Ilagan sa umano’y “laos” na patutsada kay Vilma Santos-Recto
COMELEC, pinasisilip si Jay Ilagan sa umano’y “laos” na patutsada kay Vilma Santos-Recto (📷VSSI Millennial Vilmanians)
Source: Facebook

Sa inilabas na show cause order, sinabi ng Comelec na ang naging pahayag ni Ilagan sa isang campaign event noong Marso 29 ay maaaring lumabag sa Comelec Resolution No. 11116 o ang Anti-Discrimination and Fair Campaigning Guidelines para sa 2025 National and Local Elections.

Sa naturang aktibidad, sinabi umano ni Ilagan:

Read also

Gov. Vilma Santos nagpahayag ng suporta kay Vice Gov. Mark Leviste

“[A]ng aking kalaban ay isang Vilma Santos lang na laos na. Hindi ako takot. Kung si Kathryn Bernardo at si Andrea Brillantes ang kaharap ko, baka kabahan ako. Pero Vilma Santos? Marami na sa fans niya ang namayapa na rin.”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Ilagan ay kasalukuyang bise alkalde ng Mataas na Kahoy, Batangas.

Ayon sa Comelec, ang nasabing pahayag ay maaaring ituring na “discrimination against women” at “gender-based harassment” sa ilalim ng kanilang alituntunin.

“In our view, the foregoing constitutes possible violations of Comelec Resolution No. 11116 or the Anti-Discrimination and Fair Campaigning Guidelines for purposes of the 12 May 2025 National and Local Elections,” pahayag ng komisyon.

Binigyan si Ilagan ng tatlong araw upang magpaliwanag kung bakit hindi siya dapat sampahan ng kaso kaugnay ng election offense o kung bakit hindi siya dapat madiskwalipika sa kandidatura.

Samantala, nito lamang nakaraang linggo, kapansin-pansin din ang paglahok ni Vilma Santos-Recto sa halalan matapos ihain ang kanyang certificate of candidacy kasama ang kanyang mga anak na sina Luis Manzano at Ryan Recto sa Batangas.

Read also

FPRRD gusto nang umuwi: "I’m an old man…I want to die in my country"

Ang hakbang ng Comelec laban kay Ilagan ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng ahensya laban sa mga sexist, diskriminatoryo, at hindi makatarungang pahayag ng mga kandidato ngayong panahon ng kampanya.

Ito ay kasunod din ng kahalintulad na aksyon ng Comelec laban kay Misamis Oriental Governor Peter Unabia, na pinagpapaliwanag dahil sa umano’y sexist na biro tungkol sa nursing scholarships at diskriminasyon sa mga Maranao.

Mariing paalala ng Comelec sa mga kandidato: panatilihin ang respeto, patas na pangangampanya, at paggalang sa karapatan ng bawat isa—lalo na ng kababaihan—sa gitna ng halalang darating.

Si Rosa Vilma Tuazon Santos-Recto, na mas kilala bilang Vilma Santos o "Ate Vi," ay isang kilalang aktres at politiko sa Pilipinas. Ipinanganak siya noong Nobyembre 3, 1953, sa Bamban, Tarlac. Nagsimula siya bilang child actress sa edad na siyam sa pelikulang "Trudis Liit" noong 1963, kung saan nakatanggap siya ng kanyang unang FAMAS Best Child Actress award.

Read also

Angelu de Leon, umalma sa joke ni Ian Sia ukol sa mga single mom

Noong Oktubre 3, 2024, iniulat na sina Vilma Santos-Recto at ang kanyang mga anak na sina Luis Manzano at Ryan Recto ay naghain ng kanilang Certificates of Candidacy (COC) para sa nalalapit na halalan sa Batangas. Si Vilma ay tatakbo bilang gobernador, si Luis bilang bise-gobernador, at si Ryan naman ay tatakbo bilang kongresista ng Ika-6 na Distrito ng Batangas.

Noong Abril 22, 2024, nagbahagi si Vilma Santos ng mga larawan mula sa selebrasyon ng kaarawan ng kanyang anak na si Luis Manzano. Sa mga litratong ibinahagi sa Instagram, makikita ang masayang pagsasama ng pamilya at mga kaibigan, kabilang sina Jessy Mendiola, Ralph Recto, Edu Manzano, Tirso Cruz III, Roderick Paulate, at Lyn Cruz.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags:
Hot: