FPRRD gusto nang umuwi: "I’m an old man…I want to die in my country"
- Ipinahayag ni VP Sara Duterte na nais nang umuwi sa Pilipinas ng kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte
- Sinabi ni Duterte na gusto niyang mamatay sa sariling bayan
- Nadakip si Duterte noong Marso 11 sa NAIA base sa arrest warrant ng ICC
- Kinasuhan siya ng crimes against humanity dahil sa madugong kampanya kontra droga
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
“I want to die in my country.” Iyan ang mariing pahayag umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa kanyang anak na si Vice President Sara Duterte, sa gitna ng pagkakakulong nito sa detention facility ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.

Source: Facebook
Sa isang panayam nitong Biyernes, Abril 4, ibinahagi ni VP Sara ang mensahe ng dating pangulo para sa sambayanang Filipino at sa buong mundo. Aniya, paulit-ulit raw itong sinasabi ng kanyang ama tuwing sila’y nagkakausap.
“‘Everything I did, I did for my country. (I don’t know) whether that statement is acceptable or not, but I want it out to the world,’” ani VP Sara na binigkas ang mensahe ng kanyang ama.
Dagdag pa ni VP Sara, matagal na raw gustong makabalik sa Pilipinas ni dating Pangulong Duterte.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
“He wants to go back to the Philippines. He said, ‘I am an old man. I can die anytime. But I want to die in my country,’” kwento ng bise presidente.
Matatandaang noong Marso 11 ay dinakip si Duterte sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 base sa arrest warrant na inilabas ng ICC. Kinakaharap ng dating pangulo ang kasong "crimes against humanity" kaugnay ng kanyang madugong kampanya kontra ilegal na droga o ang tinaguriang “Oplan Tokhang.”
Nakatakdang humarap sa confirmation of charges hearing si Duterte sa darating na Setyembre 23, 2025.
Samantala, nagbiro naman si Senator Ronald "Bato" Dela Rosa na magsusuot umano siya ng wig kung bibisita siya kay Duterte sa The Hague para hindi siya makilala — isang biro na nagpapakita ng patuloy na suporta ng mga kaalyado ni Duterte sa kabila ng mga kinakaharap nitong kaso sa internasyonal na hukuman.
Hanggang ngayon ay nananatiling mainit ang diskusyon sa bansa ukol sa kalagayan ng dating pangulo, habang hati pa rin ang opinyon ng publiko sa kanyang mga naging polisiya.
Si Rodrigo Roa Duterte, kilala rin bilang "Digong," ay ipinanganak noong Marso 28, 1945, sa Maasin, Leyte. Siya ay isang Pilipinong abogado at politiko na nagsilbing ika-16 na Pangulo ng Pilipinas mula 2016 hanggang 2022, at siya ang unang pangulo mula sa Mindanao. Bago maging pangulo, nagsilbi siya bilang alkalde ng Lungsod ng Davao sa loob ng pitong termino, na may kabuuang higit sa 22 taon, kung saan nakilala siya sa kanyang mahigpit na kampanya laban sa krimen at ilegal na droga.
Matatandaang inaresto si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court (ICC). Ayon sa Malacañang, ang pag-aresto ay kaugnay ng mga kasong "crimes against humanity" na isinampa laban sa kanya dahil sa kanyang kampanya kontra droga.
Ayon sa isang source na nakausap ng GMA News, sinubukan umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na humingi ng asylum sa China ngunit ito ay tinanggihan. Ang balitang ito ay lumabas matapos ang kanyang pag-aresto at kasalukuyang pagkakakulong sa The Hague.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh