Kitty Duterte, nagbahagi ng madamdaming mensahe para sa kaarawan ni FPRRD
- Nagpahayag si Veronica "Kitty" Duterte ng paghanga at pagmamalaki sa kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa isang emosyonal na IG post
- Ibinahagi niya ang kanyang pagkabata kung saan nakaramdam siya ng selos sa mga taong binibigyan ng atensyon ng kanyang ama
- Naunawaan na ngayon ni Kitty ang layunin ng kanyang ama na maglingkod sa bayan kaya't nagbago ang kanyang pananaw
- Nangako siya na itutuloy nila ang legasiya ng kanilang ama kasama ang kanilang pamilya at ang sambayanang Pilipino
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nagpahayag ng damdamin si Veronica "Kitty" Duterte sa kanyang Instagram post, kung saan inilarawan niya ang kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang isang "force to be reckoned with" na patuloy pa ring nagiging banta sa kanyang mga kritiko dahil sa kanyang "bold heroism and patriotism."

Source: Instagram
Ayon kay Kitty, bagaman tahimik at hindi palabiro ang dating pangulo, ang kanyang mga aksyon ay nagsasalita nang mas malakas kaysa sa salita. “A man of very few words, but the most actions. My father has always been a force to be reckoned with. Even in his sunset days, he poses the biggest threat, because of his bold heroism and patriotism,” saad niya.

Read also
Ice Seguerra, humingi ng tulong sa NAIA dahil sa nawawalang bagay sa loob ng bagahe ng asawa
Ibinahagi rin ni Kitty ang kanyang mga damdaming naramdaman noong kabataan niya, kung saan aminado siyang nagkaroon ng selos sa mga batang binibigyan ng atensyon ng kanyang ama, pati na rin sa mga taong tumatawag sa dating pangulo bilang “tatay.” “I felt a profound sense of jealousy towards the children he would visit and the fact that he would rather work overtime in city hall than tuck me into bed. I was jealous of the people who would call him ‘tatay’ when he’s supposed to be mine,” paglalahad niya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ngunit sa paglipas ng panahon, nagbago umano ang pananaw ni Kitty nang maunawaan niya ang layunin ng kanyang ama na maglingkod sa bayan. “Now that I am of age and I see the world in a new perspective, I developed this compassion for everyone he cared for. I see what he was trying to do for his countrymen,” ani pa niya.
Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, ipinangako ni Kitty na itutuloy nila, bilang kanyang mga anak, apo, at magiging kaapo-apuhan, ang naiwan na legasiya ng kanilang ama. “We will make certain that his legacy lives on. Through us, his children, his grandchildren, his great grandchildren and the Filipino people,” dagdag pa niya.
Pinasalamatan din ni Kitty ang mga taong patuloy na sumusuporta at nagdarasal para sa kanilang ama. “Daghang salamat!” pagtatapos niya.
Ang post ni Kitty ay umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens, karamihan ay nagpahayag ng suporta at pagmamalasakit sa dating pangulo at sa kanyang pamilya.
Si Veronica “Kitty” Duterte ay ang bunsong anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kay Honeylet Avanceña. Lumaki si Kitty sa Davao City at naging kilala sa publiko noong naging presidente ang kanyang ama noong 2016. Kilala si Kitty sa pagiging aktibo sa social media, kung saan madalas niyang ipahayag ang kanyang damdamin at pananaw tungkol sa kanyang ama at iba’t ibang isyu sa bansa.
Matatandaang nagsampa ng petisyon si Veronica “Kitty” Duterte sa Korte Suprema upang hilingin ang pagbabalik sa Pilipinas ng kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos itong arestuhin ng International Criminal Court (ICC). Ayon kay Atty. Salvador Panelo, layunin ng petisyon na pilitin ang gobyerno na ibalik ang dating pangulo at papanagutin ito sa umano’y paglabag sa kanyang mga karapatan.
Naglabas ng emosyonal na mensahe si Kitty Duterte para sa kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos itong arestuhin. Ipinahayag niya ang kanyang buong suporta at pagmamalaki sa pagiging isang Duterte, at sinabing mananatili siyang matatag sa kabila ng mga pagsubok na kinakaharap ng kanilang pamilya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh