Malacañang, hinamon ang mga nagpapakalat ng “fake news” tungkol sa larawan ni First Lady Liza Marcos

Malacañang, hinamon ang mga nagpapakalat ng “fake news” tungkol sa larawan ni First Lady Liza Marcos

- Hinamon ng Malacañang ang mga nagpapakalat ng “fake news” na maglabas ng ebidensya tungkol sa umano’y edited na larawan ni First Lady Liza Araneta-Marcos sa Asian Cultural Council meeting

- Iginiit ng PCO na madalas magpuna ang mga walang alam sa totoong kaganapan at hinikayat ang mga ito na magpakita ng beripikadong ebidensya

- Lumabas ang isyu matapos mag-post si FL Liza ng larawan noong Marso 22, 2025, kung saan makikita siyang kasama ang mga panauhin sa Malacañang Park

- Itinanggi kamakailan ni FL Liza ang mga tsismis na siya ay inaresto sa Estados Unidos at iginiit na nasa US siya para sa isang working visit noong unang linggo ng Marso

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Hinamon ng Malacañang ang mga nagpapakalat ng “fake news” kaugnay sa umano’y edited na larawan ni First Lady Liza Araneta-Marcos na dumalo sa isang pagpupulong ng Asian Cultural Council kamakailan.

Malacañang, hinamon ang mga nagpapakalat ng “fake news” tungkol sa larawan ni First Lady Liza Marcos
Malacañang, hinamon ang mga nagpapakalat ng “fake news” tungkol sa larawan ni First Lady Liza Marcos (📷Liza marcos/Facebook)
Source: Facebook

Sa pahayag noong Linggo, Marso 23, 2025, na iniulat ng GMA News, iginiit ng Palace Press Officer at ng Presidential Communications Office (PCO) na dapat maglabas ng ebidensya ang mga tinawag nilang “fake news vloggers/bloggers” na nagsasabing edited ang larawan ng First Lady sa naturang event.

Read also

Herlene Budol, gustong pumasok sa PBB para ipagtanggol si Ashley Ortega

Ayon kay Castro, “Ang madalas magpuna ay iyong mga wala namang alam sa anumang pulong. Ano ba ang maaasahan natin sa mga walang alam? Madaling magkunwaring parang alam nila ang lahat.” Dagdag pa niya, mas mainam na hamunin ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon na magpakita ng kanilang sariling beripikadong ebidensya para pabulaanan ang larawan.

Sa kontrobersyal na larawan na ipinost ni FL Liza sa kanyang Facebook account noong Sabado, Marso 22, makikita siyang nakaupo sa isang dining area kasama ang kanyang mga panauhin. May caption ang post na nagsasaad ng: “Regular meeting of the Asian Cultural Council [ ] Pangarap Clubhouse, Malacañang Park, Manila | 21 March 2025.”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Gayunpaman, ilang social media users ang nagkomento at iginiit na tila edited umano ang larawan dahil ayon sa kanila, wala raw sa Pilipinas si First Lady Liza noong araw na iyon.

Matatandaang itinanggi na kamakailan ni FL Liza ang mga kumakalat na tsismis na siya ay inaresto ng mga awtoridad sa Estados Unidos. Ipinaliwanag niyang pumunta siya sa US para sa isang working visit at dumalo sa Meeting of the Minds sa Manila International Film Festival noong unang linggo ng Marso.

Read also

Viral vlogger na pulis, naglabas ng mensahe sa pamamagitan gn open letter

Noong Marso 20, ibinahagi rin ng First Lady ang kanyang pagdalo sa turnover ng apat na mobile laboratory clinics at isang water station para sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) mula sa kanilang mga pribadong sektor na partner sa Kalayaan Grounds ng Malacañang.

Si Liza Araneta-Marcos ay ang First Lady ng Pilipinas at asawa ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. Kilala siya bilang isang abogado na may malawak na karanasan sa larangan ng batas at akademya. Ipinanganak siya noong Agosto 21, 1959, at nagmula sa prominenteng Araneta clan ng Negros Occidental. Bukod sa pagiging abogada, nagturo rin siya ng batas sa ilang unibersidad bago maging First Lady. Ngayon, aktibo siyang sumusuporta sa iba’t ibang adbokasiya at proyekto ng administrasyon ng kanyang asawa.

Si Pangulong Bongbong Marcos at First Lady Liza Marcos ay nag-host ng isang hapunan kasama ang ilang senador. Ang nasabing hapunan ay naganap matapos ang “National Rally for Peace” ng Iglesia Ni Cristo. Ibinahagi naman ng First Lady ang larawan ng naturang okasyon sa kanyang Facebook page noong Enero 14, Martes. Nilagyan niya ito ng caption na “dinner with senators and their spouses.”

Read also

VP Sara Duterte: ‘Hindi na maibabalik si Pangulong Duterte sa Pilipinas’

Naging emosyonal sina Pangulong Bongbong Marcos at First Lady Liza Marcos nang personal silang serenadahan ng The Voice USA 2024 Champion na si Sofronio Vasquez sa Malacañang Palace. Nagbigay ng courtesy call si Sofronio sa Pangulo sa Palasyo, kung saan naroon din ang First Lady, si Ginang Liza Araneta-Marcos, at ang kapatid ng Pangulo na si Ginang Irene Marcos-Araneta, kasama ang ilang opisyal ng gobyerno.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: