VP Sara Duterte: ‘Hindi na maibabalik si Pangulong Duterte sa Pilipinas’

VP Sara Duterte: ‘Hindi na maibabalik si Pangulong Duterte sa Pilipinas’

- Sinabi ni VP Sara Duterte na wala siyang nararamdaman sa pagkakaaresto ng kanyang ama at may posibilidad na hindi na ito makabalik sa Pilipinas

- Hinimok niya ang bansa na mag-move on dahil wala ring patutunguhan ang galit ng taumbayan laban sa mga sangkot sa insidente

- Patuloy na maghahanap ng paraan ang kanilang kampo para mapabalik si dating Pangulong Duterte sa bansa kahit walang aksyon mula sa gobyerno

- Aminado si VP Sara na posibleng may naglalabas ng impormasyon mula sa grupo ng kanyang ama habang nasa Hong Kong ito

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Inihayag ni Vice President Sara Duterte nitong Huwebes na dapat nang mag-move on ang bansa dahil may posibilidad na hindi na makakabalik sa Pilipinas ang kanyang ama, si dating Pangulong Rodrigo Duterte, matapos itong arestuhin.

VP Sara Duterte: ‘Hindi na maibabalik si Pangulong Duterte sa Pilipinas’
VP Sara Duterte: ‘Hindi na maibabalik si Pangulong Duterte sa Pilipinas’ (📷Inday Sara Duterte/Facebook)
Source: Facebook

Sinabi ito ng Pangalawang Pangulo nang tanungin siya sa isang virtual press conference kung ano ang nararamdaman niya kaugnay kay National Security Adviser Eduardo Año, lalo’t kaagad na inaresto si Duterte pagdating nito mula sa Hong Kong noong nakaraang linggo.

Read also

Sarah Balabagan Sereno, sinagot si Arnold Clavio dahil sa komento tungkol sa "prayer rally"

“Sa totoo lang wala akong nararamdaman. Hindi ako galit, hindi ako disappointed. Nothing at all. Kasi pointless naman na mag-harbor ako ng feelings about what happened. Hindi na siya maibabalik. Hindi na mababalik si Pangulong Duterte sa Pilipinas,” ani Sara.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“So what we should do as a country is move on from what happened. What will we do as [we move] forward as a country and as a people from what happened. Magalit man tayo, walang mapupuntahan ‘yung galit natin dahil hindi naman ‘yan sila pananagutin ng pamahalaan eh,” dagdag niya.

Bagama’t aminado si VP Sara na walang nakikitang aksyon mula sa mga awtoridad ng Pilipinas para maibalik ang kanyang ama, sinabi niyang patuloy silang maghahanap ng paraan upang mapabalik si Duterte sa bansa.

“Dapat siguro i-demand natin sa kanila na mag-isip sila, but clearly from the answers of secretary of the Department of Justice kanina, I don't think they will make moves in taking back or bringing the former President home. So hahanapan na lang namin ng ibang paraan kung paano maiuwi ang ating dating Pangulo,” ani Sara.

Read also

Juan Ponce Enrile, pinuna ang mga umano'y sangkot sa inhustisya na ngayo'y nananawagan ng hustisya

Dagdag pa niya, nagpahayag pa rin si Rodrigo Duterte ng kagustuhang maglingkod muli bilang alkalde ng Davao City.

Nang tanungin naman kung may posibilidad na may “traitor” sa grupo ng kanyang ama na kasama nito sa Hong Kong, tumugon si VP Sara na:

“Hindi ko man matawag siguro na traitor, pero sigurado ako sa dami ng tao na ‘yun sa loob ng kwarto na ‘yun ay meron talagang nagsasabi kung ano ang pinag-uusapan doon sa loob. Kung kanino nila sinasabi, hindi ko alam.”

Nauna nang itinanggi ni National Security Adviser Eduardo Año na may kinalaman siya sa sinasabing “conspiracy” na nagresulta sa pag-aresto kay Duterte. Aniya, limitado lang ang kanyang papel sa pagtiyak na “the situation does not escalate into a national security concern.”

Samantala, inamin naman ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na may sama siya ng loob kay Año dahil sa hindi nito pagbibigay-alam sa kampo ni Duterte habang nasa Hong Kong pa ito.

Read also

Honeylet Avanceña, emosyonal na nagbahagi ng kanyang statement

“Out of courtesy, dapat man lang ay na-inform ang grupo ni Duterte na maaaresto siya pagdating sa Pilipinas,” ani Dela Rosa.

Dagdag pa niya, may naririnig umano siyang tsismis ukol sa isang “traitor” sa grupo na kasama ni Duterte sa Hong Kong ngunit wala siyang ideya kung sino ito.

Patuloy namang umaasa si VP Sara Duterte na makakahanap sila ng paraan upang maiuwi ang dating Pangulo sa kabila ng kawalang-aksiyon ng pamahalaan.

Si Rodrigo "Rody" Roa Duterte ay ang ika-16 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas na nanungkulan mula Hunyo 30, 2016 hanggang Hunyo 30, 2022. Bago siya maging pangulo, nagsilbi siya bilang alkalde ng Davao City sa loob ng mahigit 22 taon, kung saan siya nakilala dahil sa kanyang kampanya laban sa krimen at iligal na droga.

Matatandaang dumating si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Senado upang dumalo sa pagdinig na nag-iimbestiga sa kontrobersyal na drüg war na kanyang isinulong noong siya'y nasa pwesto. Ang pagharap ni Duterte sa Senate hearing ay bahagi ng patuloy na pagsisiyasat sa mga alegasyon ng paglabag sa karapatang pantao at extrajudicial killings na isinagawa sa ilalim ng kanyang administrasyon

Read also

Common law wife ni dating Pangulo Rodrigo Duterte, emosyonal na nagbigay pahayag sa publiko

Sinagot ni dating Senadora Leila De Lima ang mga tanong mula sa isang reporter ng GMA sa isang biglaang panayam sa mga pasilyo ng Senado. Nasa Senado ang dating mambabatas upang dumalo sa pagdinig na nag-iimbestiga sa kampanya laban sa droga ng nakaraang administrasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate