Sarah Balabagan Sereno, sinagot si Arnold Clavio dahil sa komento tungkol sa "prayer rally"

Sarah Balabagan Sereno, sinagot si Arnold Clavio dahil sa komento tungkol sa "prayer rally"

- Binatikos ni Sarah Balabagan Sereno si Arnold Clavio matapos barahin ang cryptic post nito tungkol sa "prayer rally"

- Ibinahagi ni Arnold sa kanyang Instagram ang tanong kung may kabuluhan pa ang prayer rally kung hindi naniniwala sa Diyos ang ipinagdarasal

- Bumuwelta si Sarah sa pamamagitan ng pag-reshare ng quote art card at sinabing huwag maliitin ang kapangyarihan ng unity prayers

- Nanatiling tahimik si Arnold Clavio at wala pang tugon sa naging patutsada ni Sarah

Usap-usapan ngayon sa social media ang naging Facebook post ng dating OFW na si Sarah Balabagan Sereno matapos niyang sagutin ang cryptic post ni Arnold Clavio patungkol sa "prayer rally."

Sarah Balabagan Sereno, sinagot si Arnold Clavio dahil sa komento tungkol sa "prayer rally"
Sarah Balabagan Sereno, sinagot si Arnold Clavio dahil sa komento tungkol sa "prayer rally" (📷@akosiigan/IG and Sarah Balabagan Sereno/FB)
Source: Instagram

Noong Marso 15, 2025, nagbahagi si Clavio ng tila makahulugang mensahe sa kanyang Instagram account na nagsasabing, "Para saan ang prayer rally kung hindi naman naniniwala sa Diyos ang ipinagdarasan ninyo?"

Sa caption ng nasabing post, nilakipan pa niya ito ng mensaheng, "EHEM: Narinig ko lang sa jeep. May tama ba sila?" Limitado lamang ang puwedeng magkomento sa nasabing post, at nang sinilip ito ng netizens, walang naglakas-loob na magbigay ng reaksiyon o magkomento.

Read also

Kim Chiu, naiyak sa kanyang mall show kasunod ng kontrobersyal na "dasurv" issue

Ngunit hindi pinalampas ito ni Sarah Balabagan Sereno matapos makita ang quote art card ng naturang post na ginawa ng Facebook page na "Paolo Duterte Supporters," na kanyang ni-reshare sa kanyang sariling account.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kanyang caption, mariin niyang pinangaralan si Clavio:

"Arnold, huwag mong maliitin ang power ng UNITY PRAYERS! 'The prayer of a righteous man is powerful and effective' — James 5:16. Ako mismo ay bunga ng unity prayers ng mga Filipino. Pero pinagsamantalahan mo lang at inuto!"

Ang naging sagot ni Sarah ay umani ng sari-saring reaksiyon mula sa netizens, lalo't muling nabuhay ang kanilang kontrobersyal na nakaraan.

Matatandaang si Duterte ang kauna-unahang Asian leader na inaresto ng ICC, bagay na nagdulot ng pagkabahala sa kanyang mga tagasuporta, kabilang na si Sarah.

Si Arnold Clavio noon ay reporter na nagsusubaybay sa kaso ni Sarah. Pagkauwi ng dalaga sa Pilipinas, naging instant media sensation siya at sumubok sa showbiz bilang singer. Ngunit nang siya ay mabuntis, bigla na lang nawala sa limelight. Makalipas ang 22 taon, ibinunyag ni Sarah na si Arnold daw ang ama ng kanyang panganay, bunga ng kanilang relasyon noong panahong iyon.

Read also

Common law wife ni dating Pangulo Rodrigo Duterte, emosyonal na nagbigay pahayag sa publiko

Samantala, hanggang ngayon ay nanatiling tikom ang bibig ni Arnold Clavio ukol sa matapang na sagot ni Sarah Balabagan Sereno. Wala pang inilalabas na pahayag ang kampo ng batikang journalist tungkol sa isyung ito.

Sa kabila ng katahimikan ni Clavio, tila hindi pa tapos ang kwento ng kanilang nakaraan na muling nabuhay dahil sa isang simpleng "prayer rally" post.

Si Arnold Clavio ay kilala din sa bansag na Igan at nakilala bilang isang radio at TV newscaster, journalist at TV host. Isa siyang anchorman sa news program ng GMA-7 na Saksi kung saan kasama niya si Pia Arcangel. mayroon din siyang programang Dobol A sa Dobol B on DZBB kasama si Ali Sotto na napapakinggan tuwing umaga.

Kamakailan ay inalmahan niya ang fake news tungkol sa long ride news na umano'y binalita sa 24 Oras. Usap-usapan din ang reaksiyon nila ni Susan Enriquez matapos hindi nasagot ng isang field reporter ang kanilang tanong.

Read also

VP Sara, ibinihagi ang mensahe ng kanyang amang si FPRRD sa kanilang supporters

Sa kanyang pag-galing mula sa COVID-19, naghayag ng mensahe si Arnold. Pinasalamatan niya ang lahat ng nangamusta at nagpakita ng pagmamahal at pagmamalasakit sa kanya. Kabilang sa kanyang pinasalamatan ay ang kanyang pamilya at mga kaibigan na aniya ay kanyang naging lakas at sandigan. Para naman umano sa mga taong umasang lumala ang kanyang kalagayan at tuluyang mamatay, panalangin lamang ang kanyang maigaganti sa mga ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate