VP Sara, ibinihagi ang mensahe ng kanyang amang si FPRRD sa kanilang supporters

VP Sara, ibinihagi ang mensahe ng kanyang amang si FPRRD sa kanilang supporters

- Nagkaroon umano ng pagkakataon si Vice president Sara Duterte na makausap ang ama

- Lumipad din si VP Sara sa Netherlands kung saan dinala ang inaresto niyang ama na si Dating Pangulo Rodrigo Duterte

- Ipinaalam niya ang pagiging emosyonal ng kanilang mga supporters sa biglaang pagdakip sa dating pangulo

- Marso 11 nang arestuhin ang dating pangulo dahil sa mga paratang ng crimes against humanity kaugnay ng kanyang ipinatupad na war on dr*gs noong siya ay nanunungkulan pa

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nagkaroon ng pagkakataon si Bise Presidente Sara Duterte na makausap ang ama na si Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterta na kasalukuyang nasa The Hague, ang headqurters ng International Criminal Court.

VP Sara Duterte, ibinihagi ang mensahe ng kanyang ama na FPRRD sa kanilang supporters
Former President Rodrigo Duterte ang Vice President Sara Duterte
Source: Youtube

Sa ibinahaging video ng CNN-News18, sinabi ng bise presidente na naiparating niya umano sa kanyang ama ang reaksyon ng kanilang supporters kung saan marami ang nalungkot at naging emosyonal sa pagkakadakip nito.

Dahil dito, nagpabatid naman ang dating pangulo ng mensahe sa kanilang mga supporters.

Read also

Final viewing ng 'Luxx White' Frontrow headquarters, agaw eksena online

"Sabihin mo sa kanila relax lang, may hangganan ang lahat," ani dating pangulo Duterte na ibinahagi ni VP Sara.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"There would be a day of reckoning for all," dagdag pa nito.

Nito lamang Marso 11, inaresto si Dating pangulong Duterte dahil sa mga paratang ng crimes against humanity kaugnay ng kanyang ipinatupad na war on dr*gs noong siya ay nanunungkulan pa.

Kinabukasan, Marso 12, inilipad na si FPRRD sa The Hague Netherlands ang lugar kung nasaan ang headquarters ng International Criminal Court.

Marso 14, nang humarap na sa ICC ang dating pangulo at itinakda ang kanyang unang hearing sa Setyembre ng kasalukuyang taon.

Si Rodrigo "Rody" Roa Duterte ay ang ika-16 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas na nanungkulan mula Hunyo 30, 2016 hanggang Hunyo 30, 2022. Bago siya maging pangulo, nagsilbi siya bilang alkalde ng Davao City sa loob ng mahigit 22 taon, kung saan siya nakilala dahil sa kanyang kampanya laban sa krimen at iligal na droga.

Read also

Kim Chiu, sumagot matapos humingi ng dispensa ng isang netizen sa kanya

Ang kanyang anak na si Sara Duterte ang kasalukuyang pangalawang Pangulo ng Pilipinas. Minsan na rin siyang naging Kalihim ng Kagawaran ng edukasyon subalit hindi nagtagal ay pinalitan na rin siya ng kasalukuyang kahilim na si Senator Sonny Angara.

Sa kasagsagan ng mga kaganapan sa pag-aresto sa dating pangulong Duterte, nagpalit ng profile picture si VP Sara na tila may panawagan para sa ama. Makikita roon ang pulang laso na may katagang "Bring PRRD Home" at ang hand sign na simbolo ng pakikiisa ng kanilan mga supporters.

Matapos na lumipad ang ama sa The Hague, agad na sumunod si VP Sara at ilan pa niyang kasama sa Netherlands upang mabigyang suporta ang ama.

Samantala, isa rin sa mga anak ng dating pangulo na si Kitty Duterte ay naglabas ng pagsuporta sa pinagdaraanan ng kanilang ama sa ngayon. Bukod sa pagbibigay ng updates ukol sa kalagayan umano ngayon ni dating Pangulong Duterte, naglabas din ng emosyonal na post si Kitty kung saan sinabi nito kung gaano siya ka-proud sa pagiging isang 'Duterte.' Hayagan din nitong nasabi kung gaano niya kamahal ang kanyang ama. Sa kabila ng mabigat na paratang, ang mensahe ni Kitty ay nagpapakita ng matinding pagmamahal at suporta para sa kanyang ama. Ang kanyang mga salita ay umabot sa puso ng mga tagasuporta ng pamilya Duterte na patuloy na ipinaglalaban ang dating pangulo laban sa mga akusasyon ng ICC.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica