Kitty Duterte, ipinakita ang resulta ng umano'y 'harassment' na dinanas niya at kanyang pamilya
- Ibinahagi ni Kitty Duterte ang sinasabing resulta ng umano'y harassment na kanyang dinanas at kanyang pamilya
- Aniya, gawa raw ito ng mgadapat sana'y 'protectors' ng bansa
- Patuloy ang pagbabahagi ni Kitty ng updates sa mga kaganapan sa pagkakaaresto sa ama at dating Pangulo Rodrigo Duterte
- Isa rin sa kanyang mga naging post ay ang paghahayag ng paninindigan at suporta sa kanyang ama
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Agaw pansin ngayon online ang post ni Veronica "Kitty" Duterte kung saan makikita ang sinasabing resulta ng umano'y harassment na kanyang dinanas.

Source: Instagram
Sa kanyang Instagram story, makikita nag punit na bahagi ng kanyang damit na mula umano sa harassment ng mga sana'y protector ng bansa.
"This is the result of the harassment to my family and I today. Done by the supposed protectors of this country."
Ito umano ay may kaugnayan sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na isinagawa ng Philippine National Police sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, matapos mag-isyu ang International Criminal Court (ICC) ng isang warrant of arrest laban sa kanya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Samantala, sa isa ring Instagram na inilabas ng madaling araw ng Miyerkules, ibinahagi ni Kitty ang kanyang buong pagsuporta sa kanyang ama.
Ang 79-taong-gulang na dating presidente ay inaresto sa kanyang pagdating mula Hong Kong, kung saan siya nanatili.
Kasama sa mga isinampang kaso laban kay Duterte ang mga paratang ng rimes against humanity kaugnay ng kanyang ipinatupad na war on dr*gs noong siya ay nanunungkulan pa bilang presidente ng Pilipinas taong 2016-2022.
Patungo umano si Duterte sa The Hague sa Netherlands, sakay ng isang private chartered plane, kung saan sinasabing matatagpuan ang punong tanggapan ng ICC.
Nahaharap umano siya sa mga kasong maaaring magdulot ng malalaking legal na epekto habang isinasagawa ng international court ang imbestigasyon sa mga umano'y paglabag sa karapatang pantao na nangyari sa kanyang administrasyon.
Sa kabila ng mabigat na paratang, ang mensahe ni Kitty ay nagpapakita ng matinding pagmamahal at suporta para sa kanyang ama. Ang kanyang mga salita ay umabot sa puso ng mga tagasuporta ng pamilya Duterte na patuloy na ipinaglalaban ang dating pangulo laban sa mga akusasyon ng ICC.
Narito ang kabuuan ng post ni Kitty na ibinahagi rin ng News5:
Si Rodrigo "Rody" Roa Duterte ay ang ika-16 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas na nanungkulan mula Hunyo 30, 2016 hanggang Hunyo 30, 2022. Bago siya maging pangulo, nagsilbi siya bilang alkalde ng Davao City sa loob ng mahigit 22 taon, kung saan siya nakilala dahil sa kanyang kampanya laban sa krimen at iligal na droga.
Matatandaang dumating si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Senado upang dumalo sa pagdinig na nag-iimbestiga sa kontrobersyal na drüg war na kanyang isinulong noong siya'y nasa pwesto. Ang pagharap ni Duterte sa Senate hearing ay bahagi ng patuloy na pagsisiyasat sa mga alegasyon ng paglabag sa karapatang pantao at extrajudicial killings na isinagawa sa ilalim ng kanyang administrasyon
Sinagot ni dating Senadora Leila De Lima ang mga tanong mula sa isang reporter ng GMA sa isang biglaang panayam sa mga pasilyo ng Senado. Nasa Senado ang dating mambabatas upang dumalo sa pagdinig na nag-iimbestiga sa kampanya laban sa droga ng nakaraang administrasyon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Proofreading by Marisse Gulferica, copy editor at KAMI.com.gh.
Source: KAMI.com.gh