VP Sarah Duterte, naglabas ng statement: "He is being forcibly taken to The Hague tonight"
- Kinondena ni Pangalawang Pangulo Sara Duterte ang umano’y pagsuko ng gobyerno ng Pilipinas kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa isang dayuhang hukuman bilang paglapastangan sa soberanya ng bansa
- Ipinahayag niya na hindi naipagkaloob kay dating Pangulong Duterte ang kanyang batayang karapatan mula nang kunin ito ngayong umaga at sapilitang dadalhin sa The Hague ngayong gabi
- Iginiit niya na ipinapakita ng hakbang na ito na handang ipagkanulo ng gobyerno ang sarili nitong mamamayan at dignidad bilang isang malayang bansa
- Nagtapos ang kanyang pahayag sa panawagang “God save the Philippines” habang hinihintay pa ang tugon ng Malacañang sa isyu
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Mariing kinondena ni Vice President Sara Duterte ang umano’y pagsuko ng gobyerno ng Pilipinas kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa isang dayuhang hukuman, na kanyang tinawag na isang tahasang paglapastangan sa soberanya ng bansa.

Source: Facebook
Sa isang opisyal na pahayag ngayong Marso 11, 2025, sinabi ni VP Duterte na, “Today, our own government has surrendered a Filipino citizen—even a former President at that—to foreign powers. This is a blatant affront to our sovereignty and an insult to every Filipino who believes in our nation’s independence.”
Ayon pa sa kanya, hindi lamang ipinagkanulo ng gobyerno si dating Pangulong Duterte, kundi ipinagkait din umano rito ang kanyang batayang karapatan. “Worse, former President Rodrigo Roa Duterte is being denied his fundamental rights. Since he was taken this morning, he has not been brought before any competent judicial authority to assert his rights and to allow him to avail of reliefs provided by law. As I write this, he is being forcibly taken to The Hague tonight. This is not justice—this is oppression and persecution.”
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Binigyang-diin din niya na ang hakbang na ito ay nagpapakita ng kawalang malasakit ng gobyerno sa sarili nitong mamamayan. “This act shows the world that this government is willing to abandon its own citizen and betray the very essence of our sovereignty and national dignity.”
Tinapos ni VP Duterte ang kanyang pahayag sa isang mariing panalangin: “God save the Philippines.”
Wala pang opisyal na pahayag ang Malacañang kaugnay ng isyung ito. Patuloy na susubaybayan ang mga susunod na hakbang ng pamahalaan at ang magiging reaksyon ng publiko.
Si Rodrigo "Rody" Roa Duterte ay ang ika-16 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas na nanungkulan mula Hunyo 30, 2016 hanggang Hunyo 30, 2022. Bago siya maging pangulo, nagsilbi siya bilang alkalde ng Davao City sa loob ng mahigit 22 taon, kung saan siya nakilala dahil sa kanyang kampanya laban sa krimen at iligal na droga.
Matatandaang dumating si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Senado upang dumalo sa pagdinig na nag-iimbestiga sa kontrobersyal na drüg war na kanyang isinulong noong siya'y nasa pwesto. Ang pagharap ni Duterte sa Senate hearing ay bahagi ng patuloy na pagsisiyasat sa mga alegasyon ng paglabag sa karapatang pantao at extrajudicial killings na isinagawa sa ilalim ng kanyang administrasyon
Sinagot ni dating Senadora Leila De Lima ang mga tanong mula sa isang reporter ng GMA sa isang biglaang panayam sa mga pasilyo ng Senado. Nasa Senado ang dating mambabatas upang dumalo sa pagdinig na nag-iimbestiga sa kampanya laban sa droga ng nakaraang administrasyon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh