Sen. Jinggoy Estrada, nagpaliwanag tungkol sa "Porke senador kayo" video
- Binigyang-linaw ni Sen. Jinggoy Estrada ang social media video ng kanyang pamamahagi ng tulong sa nasunugan sa San Juan City
- Sinabi ni Estrada na hindi pinayagan ang kanyang mga kinatawan na mag-anunsyo tungkol sa ipapamahaging tulong kaya siya ang napilitang makipag-usap
- Inilahad ni Estrada na kinompronta niya ang isang lokal na opisyal ng San Juan dahil tila gusto umano siyang palabasin na ginagamit ang posisyon sa Senado
- Ipinahayag ni Estrada na ang pagpapakalat ng TikTok video ay may bahid ng pulitika at hinamon ang mga nasa likod nito na magpaliwanag
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nilinaw ni Senador Jinggoy Estrada ang mga kontrobersiyang bumabalot sa isang social media video na nagpapakita ng kanyang pamamahagi ng tulong sa mga nasunugan sa Barangay Bartis, San Juan City noong Abril 18.
Ayon sa senador, na dati ring nagsilbi bilang alkalde ng San Juan, hindi umano pinayagan ang kanyang mga kinatawan na mag-anunsyo tungkol sa ipapamahagi niyang tulong. Dahil dito, napilitan siyang personal na makipag-usap sa mga residente, subalit inilahad ni Estrada na tila walang gustong humarap sa kanila upang tanggapin ang tulong.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ibinahagi rin ng senador na kanyang kinompronta ang isa sa mga lokal na opisyal ng San Juan City kaugnay ng insidente. Ayon sa kanya, tila nais ng mga ito na palabasin na ginagamit niya ang kanyang posisyon sa Senado para sa personal na interes. Binigyang-diin ni Estrada na ginagamit niya ang kanyang kapangyarihan bilang senador upang makatulong, lalo na sa mga taga-San Juan na kanyang kinalakihan, at hindi umano niya hahayaang mapigilan siya sa pag-abot ng tulong sa mga nangangailangan.
Sa isang video na kanyang ibinahagi, makikita si Estrada na personal na nag-aanunsyo ng pamamahagi ng cash assistance para sa mga apektadong residente. Ipinahayag din ng senador na ang pagpapalabas at pagpapakalat ng mapanirang TikTok video ay malinaw na may halong pulitika, at tanging ang mga nasa likod ng video ang makakapagpaliwanag kung bakit ito ipinakalat sa kasalukuyan.
Si Jinggoy Estrada ay isang kilalang pulitiko at aktor sa Pilipinas. Anak siya ng dating Pangulo ng Pilipinas na si Joseph "Erap" Estrada. Bago pumasok sa Senado, nagsilbi siya bilang alkalde ng San Juan City mula 1992 hanggang 2001, kung saan nakilala siya sa iba't ibang proyekto at inisyatiba para sa lungsod.
Binatikos si Sen. Jinggoy Estrada dahil sa pagiging "mahigpit" kay Sandro Muhlach at Gerald Santos sa isang kamakailang pagdinig sa Senado. Hinarap ng senador ang isyung ito sa Kapihan sa Senado. Binigyang-diin niya na hindi niya intensyon na "sisihin o ipahiya ang mga lumapit" para magbahagi ng kanilang karanasan. Ipinaliwanag din ni Estrada na ang kanyang "masigasig na pamamaraan" ay nagmula sa matinding pagkabigo dahil ang mga problemang ito ay patuloy na nararanasan sa loob ng maraming taon
Naging tampok sa isang pagdinig sa Senado ang tanong ni Senator Jinggoy Estrada tungkol sa kung paano nalaman ng showbiz columnist na si Ogie Diaz ang tungkol sa insidente ng umano’y pang-aabuso sa anak ni Niño Muhlach, si Sandro Muhlach, na kinasasangkutan ng dalawang independent contractors mula sa GMA Network.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh