Abogado ni Alice Guo iginiit na hindi pa nakalalabas ng Pilipinas ang kliyente

Abogado ni Alice Guo iginiit na hindi pa nakalalabas ng Pilipinas ang kliyente

- Iginiit ni Atty. Stephen David na hindi pa nakakalabas ng Pilipinas ang kanyang kliyenteng si dating Mayor Alice Guo

- Taliwas ito sa pahayag ni Senator Risa Hontiveros na umalis na ng bansa si Guo noong Hulyo 18 at nagtungo sa Malaysia at Singapore

- Ayon kay David, direktang itinanggi ni Guo na nakalabas siya ng bansa at pinagtibay na nasa Pilipinas pa siya

- Pinanindigan din ni David na posibleng maparusahan ang abogadong nagsinungaling sa pagpaproseso ng counter affidavit ni Guo

Iginiit ni Atty. Stephen David na nananatili pa rin sa Pilipinas ang kanyang kliyenteng si dating Mayor Alice Guo, taliwas sa mga naunang ulat na umalis na ito ng bansa mahigit isang buwan na ang nakalipas.

Abogado ni Alice Guo iginiit na hindi pa nakalalabas ng Pilipinas ang kliyente
Abogado ni Alice Guo iginiit na hindi pa nakalalabas ng Pilipinas ang kliyente
Source: Facebook

Sa isang panayam sa Teleradyo Serbisyo, isiniwalat ni David na agad niyang tinawagan si Guo matapos lumabas sa Senado ang impormasyon na wala na umano ito sa bansa simula pa noong Hulyo 17. Ayon sa kanya, direkta niyang tinanong si Guo kung totoo bang nakalabas na ito ng Pilipinas, ngunit mariing itinanggi ito ng dating alkalde.

Read also

Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo umalis na ng bansa noong Hulyo 17 ayon kay Sen. Risa Hontiveros

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon kay David, mahalaga ang impormasyon tungkol sa kinaroroonan ni Guo upang maayos nilang maplano ang legal na estratehiya, lalo na’t kailangan nilang humarap sa piskal para sa reklamong human trafficking na isinampa laban sa kanya.

Aniya, "Kasi gusto ko malaman kung nandito ka pa sa Pilipinas or hindi para yung legal strategy eh maayos ko kasi kung wala ka sa Pilipinas eh paano tayo haharap sa piskal ngayon?"

Tinanong din si David tungkol sa notarization ng counter affidavit ni Guo na isinampa kaugnay ng kaso. Inamin niyang hindi niya kilala ang abogadong nagproseso ng nasabing dokumento, ngunit pinanindigan niyang imposibleng pirmahan ang affidavit kung wala sa bansa si Guo.

Dagdag pa niya, maaaring maparusahan ng Korte Suprema ang sinumang abogado na mapatutunayang nagsinungaling sa pagpaproseso ng legal na dokumento.

Read also

Nora Aunor, idinetalye paano siya nawalan ng boses: "Para bang sinadya"

Matatandaang ibinunyag ni Senator Risa Hontiveros na umalis na ng bansa si Guo. Ayon kay Hontiveros, pumasok si Guo sa Kuala Lumpur, Malaysia noong Hulyo 18 at pagkatapos ay nagtungo sa Singapore upang makipagkita sa kanyang ama. Kasama raw sa naturang pagkikita ang ina ni Guo na isang Chinese national, ang kanyang kapatid na si Wesley, at si Cassandra Ong. Ang mga alegasyong ito ay patuloy na sinusuri at kinukuwestiyon ng kampo ni Guo.

Si Alice Leal Guo ang Punong Bayan ng Bamban, Tarlac. Siya ay nanalo bilang punong bayan sa mga pambansang eleksyon noong 2022. Siya ay naging kilala sa buong bansa matapos madawit ang kanyang pangalan sa patuloy na imbestigasyon ng Senado ukol sa Philippine Offshore Gaming Operations o POGO at sa alegasyon ng paglaganap ng mga ilegal na dayuhang naninirahan sa bansa. Ang kanyang pangalan ay naging paksa ng maraming online memes mula noon.

Matatandaang si Sen. Risa Hontiveros ang nagtanong sa tunay na pagkakakilanlan ng suspindidong punong-bayan ng Bamban. Nitong Miyerkules, ipinakita ng senadora ang isang dokumento kung saan makikita ang isa pang "Alice Leal Guo."

Read also

Barangay Kagawad, binaril ng riding-in-tandem sa harap ng sariling anak sa Quiapo

Sinabi ni Sen. Hontiveros sa isang pahayag na ang National Bureau of Investigation (NBI) ay nakumpirma na ang mga fingerprint ni Mayor Guo ay tumutugma sa may-ari ng nabanggit na Chinese passport na si Guo Hua Ping.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate