Guo Hua Ping, sa isang paaralan sa QC nag-aral at hindi nag-homeschool

Guo Hua Ping, sa isang paaralan sa QC nag-aral at hindi nag-homeschool

- Sinabi ni Sen. Sherwin Gatchalian na hindi nag-homeschool si Mayor Alice Guo at nag-aral siya sa Grace Christian High School mula 2000 hanggang 2003

- Nakasaad sa school records na nakuha ni Gatchalian na ang tunay na pangalan ni Guo ay "Guo Hua Ping"

- Nalaman na ang mga magulang ni Guo ay sina Wen Yi Lin at Jian Zhong Guo, batay sa birth certificate mula sa China

- Hindi dumalo si Guo sa pagdinig dahil sa isyu sa kalusugan, ngunit hindi tinanggap ng mga senador ang kanyang dahilan

Ibinulgar ni Sen. Sherwin Gatchalian nitong Miyerkules na hindi totoong nag-homeschool si Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac, sa ilalim ni "Teacher Rubilyn" gaya ng kanyang unang sinabi. Sa halip, nag-aral siya sa isang paaralan sa Quezon City mula 2000 hanggang 2003.

Guo Hua Ping, sa isang paaralan sa QC nag-aral at hindi homeschooled
Guo Hua Ping, sa isang paaralan sa QC nag-aral at hindi homeschooled
Source: Facebook

Ayon sa mga dokumento na nakuha ni Gatchalian, si "Guo Hua Ping," ang babaeng Chinese na pinaniniwalaang si Guo, ay nag-aral sa Grace Christian High School mahigit dalawang dekada na ang nakalipas.

Read also

Marian Rivera, trending matapos mapalaban sa English translation

"Nag-aral siya sa pareho kong school. For grades 1, 2 and 3 from year 2000 to 2003. Hindi siya home schooled ni Rubilyn, nag-aral po talaga siya. Sa pagkakatanda ko sa school namin, walang farm po doon, puro building," ani Gatchalian.

Dagdag pa ni Gatchalian, may kasama pang birth certificate mula sa China sa mga enrollment documents ni Guo. Nakasaad sa sertipiko na ang ina ni Guo ay si Wen Yi Lin, habang ang kanyang ama ay si Jian Zhong Guo.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mariing sinabi ni Guo na ang kanyang tunay na ina ay ang Pilipinang si Amelia Leal at hindi raw siya nag-aral sa formal school kundi nag-homeschool lang kasama si "Teacher Rubilyn" sa kanilang farm.

Hindi dumalo si Guo sa pagdinig dahil sa mga isyu sa kalusugan, dahilan na hindi tinanggap ng mga senador na nag-move para i-cite siya in contempt.

Read also

JM de Guzman, binati si Donnalyn Bartolome sa kaarawan nito

Si Alice Leal Guo ang Punong Bayan ng Bamban, Tarlac. Siya ay nanalo bilang punong bayan sa mga pambansang eleksyon noong 2022. Siya ay naging kilala sa buong bansa matapos madawit ang kanyang pangalan sa patuloy na imbestigasyon ng Senado ukol sa Philippine Offshore Gaming Operations o POGO at sa alegasyon ng paglaganap ng mga ilegal na dayuhang naninirahan sa bansa. Ang kanyang pangalan ay naging paksa ng maraming online memes mula noon.

Matatandaang si Sen. Risa Hontiveros ang nagtanong sa tunay na pagkakakilanlan ng suspindidong punong-bayan ng Bamban. Nitong Miyerkules, ipinakita ng senadora ang isang dokumento kung saan makikita ang isa pang "Alice Leal Guo."

Sinabi ni Sen. Hontiveros sa isang pahayag na ang National Bureau of Investigation (NBI) ay nakumpirma na ang mga fingerprint ni Mayor Guo ay tumutugma sa may-ari ng nabanggit na Chinese passport na si Guo Hua Ping.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate