Bongbong Marcos, isang milyon ang lamang kay VP Leni Robredo sa SpeakCUP ng 7 Eleven
- Sinasabing isang milyon ang lamang ni Bongbong Marcos kay VP Leni Robredo sa bilang ng mga nabiling presidentiable cups ng 7 Eleven
- Ito ay bahagi ng 'SpeakCUP' na pakulo ng kilalang convenience store sa bansa
- Lumalabas ng 45% ang nakuhang na nasa 2.2 million cups na naibenta sa 2,000 branch nila sa buong mundo
- Matatandaang kamakailan ay naglabas ng pahayag ang 7 Eleven sa kontrobersiya kaugnay ng pagbibenta nila ng presidential cups
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Lamang umano ng isang milyon ang bilang ng nabiling cups na may mukha ni Bongbong Marcos sa 7 Eleven.
Nalaman ng KAMI na bahagi umano ito ng SpeakCUP na katuwaan lamang umano ng convenience store kung sino ang napupusuan ng publiko na maging presidente ng bansa.
Lumabas sa huling tally ng 7 Eleven noong Marso 31, nasa 45 percent na ng 2.2 million cups na nabenta sa 2,000 na mga branches sa buong Pilipinas ang bilang ng mga bumili umano ng cup na may mukha ni Marcos.
Sa ulat ng Daily Tribune, nabanggit na katuwaan lamang umano ang naturang pakulo ng convenience store upang malaman ang napupusuang maging pangulo ng mga Pilipino.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ang tinaguriang presidential cups ay promo ng convenient store kung saan may mga mukha ng kilalang presidential aspirant.
Nagsimula ito noong noong March 9 at magtatapos sa Abril 27. Sa ganitong paraan, malalaman din umano kung sino ang napupusuang ipanalo ng taumbayan.
Subalit umalma ang ilan nang mapansing iba ang pangalan ng nasa kanilang resibo kumpara sa nasa cups na binili.
Dahil dito, sa iba umano mapupunta ang puntos ng pagbili nila ng cups na mayroong mukha ng suportadong kandidato.
Humingi naman ng paumanhin ang 7-eleven sa nangyari at sinabing papaimbestigahan ito.
Nagpaalala na rin ang 7-Eleven na huwag umanong basta aalis nang hindi nakikita ang pangalan ng presidentiable na ang mukha ay nasa kanilang cups.
Kamakailan din ay nag-viral ang umano'y pagbili ng online personality na si Valentine Rosales ng Speak Cup. Humingi naman ng tawad si Valentine sa kanya umano nabitawang mga salita. Aminado raw siyang hindi magagandang salita rin ang kanyang nasabi.
Source: KAMI.com.gh