Bongbong Marcos at Sara Duterte tandem, kasado na para sa Eleksyon 2022

Bongbong Marcos at Sara Duterte tandem, kasado na para sa Eleksyon 2022

- Pormal nang inihayag ang tandem nina dating senator Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte

- Naglabas na ng resolusyon ang PFP o Partido Federal ng Pilipinas patungkol sa pag-endorso nila kay Mayor Sara

- Ito na ang hudyat nang pagiging running mate ni Mayor Sara sa presidential candidate na si Bongbong Marcos

- Kamakailan, namataan nang nagkita at nagkasama ang dalawa sa dinaluhan nilang kasalan ng anak ni Senator Bong Revilla

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naglabas na ng resolusyon ang PFP o Partido Federal ng Pilipinas para pormal nilang i-adopt at i-endorso si Davao City Mayor Sara Duterte na tatakbo bilang bise presidente ng bansa sa darating na Halalan 2022.

Nalaman ng KAMI na ngayong Nobyembre 13, naghain na ng cerificate of candidacy sa Comelec ang legal counsel at authorized representative ni Mayor Sara na si dating Presidential Commission on Good Government acting chair Reynold Munsayac.

Read also

Bato Dela Rosa, binawi ang kandidatura bilang presidente sa darating na Halalan 2022

Bongbong Marcos at Sara Duterte tandem, kasado na para sa Eleksyon 2022
Bongbong Marcos at Sara Duterte (Photo from Mayor Inday Sara Duterte)
Source: Facebook

Ito ang nagsilbing kumpirmasyon ng Marcos-Duterte tandem para sa darating na eleksyon 2022 gayung si Dating senator Bongbong Marcos ang presidential bet ng PFP.

Narito ang nilalaman ng resolusyon na naibahagi rin ng Manila Bulletin:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kanya namang Facebook page, isang araw bago naganap ang kanyang filing ng COC sa pagka-bise presidente, nagbigay mensahe na si Mayor Sara sa kanyang supporters at maging sa media.

"Sa lahat ng aking mga taga-suporta, pati na po sa mga miyembro ng media -- nakikiusap po ako sa inyo na sana ay huwag na kayong mag-camp-out sa labas ng Comelec. Nakikiusap din ako sa mga nasa probinsiya na huwag kayo bumiyahe papunta Manila nandito lang po ako sa Davao City dahil sa sunod-sunod na pag-ulan at pagbaha"
"Sa aking mga supporters, humahanga po ako sa tibay ng inyong puso. Sa mga kasapi naman ng media, humahanga rin ako sa inyong dedikasyon sa trabaho"

Read also

Bong Go, tatakbo bilang pangulo sa darating na Halalan 2022

"Hindi na kailangan mag-camp-out pa dahil meron pang pandemya at ayoko kayong magkasakit. Ulan at init ng araw ang inyong kalaban. Isipin nyo rin po sana ang kalagayan ng inyong mga pamilya"

Si Sara Duterte-Carpio ay ang kasalukuyang alkalde ng Davao City. Siya ay anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaang noong Oktubre 2, sa ganap na 4:15 ng hapon ay nagtungo ang kasalukuyang alkalde ng Davao city sa Comelec ng kanilang lugar upang pormal na magsumite ng kanyang certificate of candidacy sa parehong posisyon.

Subalit nito lamang Nobyembre 9, kasabay ni Mayor Sara na nag-withdraw ng kanilang kandidatura ang bunsong kapatid na si Baste Duterte na siyang tatakbo bilang alkalde ng kanilang lungsod.

Nito lamang Nobyembre 11, matapos dumalo sa kasalan ng anak ni Senator Bong Revilla, na dinaluhan din ni dating senator Bongbong Marcos, nanumpa na bilang kasapi ng Lakas-CMD si Inday Sara.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica