Dalawang bangkay natagpuan sa loob ng kotse sa TPLEX gas station sa Tarlac
- Dalawang bangkay ang natagpuan ng mga awtoridad sa loob ng isang nakaparadang kotse sa tabi ng gasolinahan sa TPLEX southbound sa Brgy. San Francisco, Victoria, Tarlac nitong Hunyo 17 ng hapon
- Isang staff ng gasoline station ang tumawag sa pulisya matapos masilip ang dalawang bangkay sa loob ng behikulo na matagal nang nakaparada sa lugar
- Agad na rumesponde ang Tarlac Forensic Unit upang iproseso ang insidente at tukuyin ang sanhi ng pagkamatay ng mga biktima habang patuloy ang masusing imbestigasyon
- Positibo nang kinilala ng pamilya ang dalawang indibidwal at pinili nilang isapribado ang insidente para sa katahimikan ng kanilang pamilya
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Dalawang bangkay ang natagpuan ng mga awtoridad sa loob ng isang nakaparadang kotse sa tabi ng southbound gas station ng Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX) sa Brgy. San Francisco, Victoria, Tarlac nitong Miyerkules ng hapon, Hunyo 17.

Source: UGC
Ayon sa ulat ng Tarlac Provincial Police Office (PPO), isang staff ng gasoline station ang tumawag sa kanilang himpilan bandang alas-2 ng hapon upang humingi ng emergency assistance. Napansin umano ng manager ng gasolinahan na matagal nang nakaparada ang behikulo kaya ipinasilip ito sa crew. Dito na nadiskubre ang dalawang bangkay sa loob ng sasakyan.
Agad namang nagresponde ang Tarlac Forensic Unit upang iproseso ang insidente. “We expect that the forensic examination and other necessary processes will be completed soon to help resolve the said incident,” ayon sa Tarlac Police na tumanggi munang magbigay ng iba pang detalye habang patuloy ang masusing imbestigasyon.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Samantala, positibo nang kinilala ng kanilang mga pamilya ang natagpuang mga bangkay. “Opisyal na kinukumpirma ng aming himpilan na positibo nang nakilala ng mga kaanak ang dalawang indibidwal,” ayon sa Tarlac PPO.
Dagdag pa ng pulisya, nirerespeto nila ang desisyon ng pamilya ng mga biktima na isapribado ang insidente para sa kanilang katahimikan. Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay ng dalawang indibidwal.
Kamakailan, iniulat ng Kami.com.ph ang kontrobersyal na kaso ng singer na si D4vd na naging suspek matapos matagpuan ang bangkay ng isang 15-anyos na dalagita sa loob ng kanyang kotse. Isang malaking gulat sa publiko ang pagkakatuklas sa bangkay ng isang 15-anyos na dalagitang singer sa loob mismo ng kanyang sasakyan. Dahil sa kanyang kasikatan at malaking impluwensya sa kabataan, mabilis na naging maugong ang balita sa social media. Bumuhos ang pagkabahala at lungkot mula sa mga netizens, habang mariing isinusulong ng marami ang panawagan para sa isang mabilis at masusing imbestigasyon upang matukoy ang katotohanan sa likod ng insidente.
Bukod dito, iniulat din ng Kami.com.ph ang trahedya sa Olongapo kung saan dalawang bata ang nasawi matapos makulong sa loob ng kotse. Ayon sa lumabas na ulat, huli na nang mapansin ng mga matatanda na may bata sa loob ng sasakyan. Ang trahedyang ito ay nag-iwan ng matinding dusa sa komunidad at muling nagpaalala sa publiko na maging mapagmatyag sa paligid ng mga sasakyan. Dahil dito, maraming magulang at netizens ang nananawagan ngayon para sa mas mahigpit na pagbabantay sa mga anak upang huwag nang maulit ang insidente.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

